Sabi ng aming source, seryoso raw talaga ang relasyon ng dalawat nag-effort si Kris na kilalanin ang pamilya ni James this early. Naniniwala rin ang source namin na kung yung ibay may dudang matutuloy ang kasal nina Kris at James, siyay, naniniwalang sa kasalan magwawakas ang high profile romance.
Nauna ritoy, nakipag-meeting na sina Kris at James sa big bosses ng ABS-CBN para sa exclusive coverage ng church wedding nila sa February 6, 2006.
Kundi napunta kay Annabelle si Katarina, hindi pa namin malalamang Grundstrom ang totoong family name niya at sa Milano, Italy siya ipinanganak. Narinig din naming binanggit ng mother nito na may dugong Swiss ang dalagat, half-Swiss ang daddy niya.
Nilinaw pala ni Katarina ang dating sa aming may bitterness siyat five years na siyang naghihintay na dumating ang big break sa kanya.
"Hindi ako bitter at hindi rin ako nagmamadali. Kung para sa akin ang showbiz, kahit di ko pilitin, naniniwala akong darating din ang suwerte ko sa tamang oras at panahon," sabi nito.
With Annabelle as her manager, umaasa si Katarina na muli siyang makagawa ng pelikula. Her first movie was Agimat with Bong Revilla at matagal na yun. Gusto niyang ipakitang hindi lang siya pang-TV at pwedeng-pwede siya sa movies.
Magandat matangkad si Katarina at kung maaalagaan ng hustoy malaki ang posibilidad na sumikat. Regular siyang napapanood sa Idol Ko Si Kap at semi-regular sa SOP Gigsters.
Mabutit tinatawanan lang ni Tessie ang tsikang ito at siya pa ang nagsasabing very harmonious ang relasyon niya sa buong cast. Masayat magaan daw ang kanilang trabaho kaya, madali silang natatapos mag-taping.
May nagkwento sa aming bawal ang late mag-report sa taping ng sitcom at may fine ang nali-late. Walang gustong mag-fine sa cast kaya, paagahan sila ng dating.
Isa ang Bahay Mo Ba To sa mga sitcom ng Ch. 7 na mula nang magsimulang mag-air hanggang ngayon ay hindi pa natatalo ng mga katapat na show.