Annabelles wholesome babies
June 19, 2005 | 12:00am
Nakakatuwa naman na malaman na takot kay Annabelle Rama ang lahat niyang alaga. Marami sila ang mga anak niyang sina Richard at Raymond at Ritchie Paul Gutierrez, ang anak ni Jean Saburit na si Nicole Anderson, ang anak ng dating artista na si Karla Kalua na si Era Madrigal, JC de Vera, Katarina Perez, Mara Garcia, anak naman ng isang dating myembro ng Hagibis, Mari Kozuka at si Andrea Calayan. Pero, kasabay ng pagkatakot nila ay ang assurance na walang hindi gagawin ang kanilang manager para sila mapasikat at mabigyan ng trabaho. Basta ba sumunod lamang sila sa gusto nitong magpaka-profesional sila, huwag mali-late at huwag tumambay sa mga bars dahil mga wholesome sila at mga bata pa.
Dahil marami sila dalawa lamang sa kanila ang pag-uusapan natin ngayon. Una na si Nicole Anderson, ang magandang dalagita ni Jean Saburit, na isa sa mga adult na alaga ni Annabelle together with Eddie Gutierrez and Ramon Christopher.
Fifteen years old lamang si Nicole at nag-aaral ng high school sa The British School Manila. Kasalukuyan itong napapanood sa SOP Gigsters pero nun ay nakasama ito sa Kaya Ni Mister, Kaya ni Misis, Ang TV 1 & 2 at Kaybol.
Sinabi niya na ang malaking edge niya laban sa mga kaedad niya na nag-aartista rin ay "I am wise beyond my years and my passion for my work."
Si Ritchie Paul naman ay 18 years old, at may taas na 6 ft. Kaya naman player siya ng basketball sa kanyang school sa San Beda. Bukod dito ay nakapagsusulat siya ng sarili niyang kanta na sabi niya ay "Not everybody can do."
Isa sa mga sinabi ni Annabelle na nagustuhan ko ay ang hindi niya kayang pagpigil sa mga damdamin ng mga kabataang hawak niya. Kung magliligawan sila ay okay lamang sa kanya na di tulad ng ibang manager na ipinagbabawal ito. "Basta ang hihilingin ko lamang sa kanila ay bigyan nila ng priority ang kanilang mga trabaho. Dapat hindi ito maka-apekto sa kanilang mga trabaho," aniya.
Gusto ko rin ang enthusiasm niya na mabigyan ng maraming trabaho ang lahat nila para makaipon sila at mabili ang lahat ng gustuhin nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended