Pinag-explain daw si Daniel ng management ng GMA ng kanyang side. Matapos niyang itanggi na hindi niya ginawa ang mga ibinibintang sa kanya ay pinagsabihan siya na hindi siya dapat ma-involve sa Ang Dating Daan. Dahil nasaktan, nakapagbitaw ito ng mga salitang "I would rather lose my job and career than lose my faith and my God!" Hayun! Ang 30 days nitong vacation leave na nag-start nung May 13 na supposedly ay magtatapos sa June 13 at babalik na siya ng Unang Hirit ay naging forever na. Hinding- hindi na siya makakabalik sa kanyang morning show na minahal niya for three years.
Ang hinanakit lamang ni Daniel nung makausap ko siya through Direk Angelito de Guzman, director-producer ng Chika Mo Chika Ko sa UNTV ay ni hindi man lamang tinapos ng Siete ang kontrata niya na aabot sana hanggang Dec. 31, 2005. At dahil sa hindi makatarungang pagkakatanggal kay Daniel ng Siete ay nagbabanta ngayon ng boykot ang mga followers nito ng Unang Hirit.
Bukas po ang pahina ng PSN para sa side ng management ng GMA7. Peter Ledesma