Depende kay James Yap kung mag-aartista pa si Kris pag kasal na sila!

Akala ko celebration dinner lamang yung dadaluhan ko nung Huwebes ng gabi sa ABS CBN. Tumanggap kasi ako ng paanyaya para sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng The Buzz topbilled by Boy Abunda, Kris Aquino, Cristy Fermin and a pool of the most credible names in the entertainment media. In fact ngayong Linggo, June 19, mapapanood dito ang unang bahagi ng two-part special celeb plus a Red Carpet Pre-Awards special ng Famas na magaganap sa June 26.

Napakasaya ng naging kaganapan dahil humarap ang mga host ng nasabing progama sa mga inimbitang media at sinagot ang tanong ng lahat. Maging si Kris ay hindi nakaiwas na sumagot sa mga tanong tungkol sa relasyon nila ng basketbolistang si James Yap at ang napipinto nilang wedding early next year.

May I deny si Tetay sa isyu na pinagbabawalan niyang magpa-interview ang kanyang boyfriend tungkol sa kanilang relasyon. Sinabi nito na gusto muna niyang makapag-bonding siya sa pamilya ni James and vice versa bago ang pagsagot sa mga tanong ng press because feel niya mas priority nila ito. "As of now, once ko pa lamang na-meet ang family niya at gusto ko pang mas makilala sila at sila ako. Si James naman kilalang kilala na ang mga kapatid ko pero gusto ko namang magkakilala sila ng mabuti ang mom ko," ani Kris.

Sinagot din ni Kris ang tanong kung magpapatuloy pa ba siya sa kanyang career once mag-asawa na sila ni James. " Depende ito kay James, Kapag sinabi niyang "no" susundin ko siya."

Obvious na in love talaga si Kris, may sagot siya sa lahat ng tanong tungkol sa kanilang relasyon. And when asked kung meron ba siyang mga artista na pagtatayaan ng kanyang pangalan at buhay, mention niya ang names nina Maricel Soriano, Zsazsa Padilla, Anne Curtis, Eric Quizon at iba pang di ko na matandaan. Incidentally, magkakaro’n ng Kapamilya Caravan sa US sa susunod na buwan. In line with the TFC World Tours, dalawang premier programs ng ABS CBN , ang ASAP ’05 at The Buzz ang dadalhin ng programa sa San Francisco sa July 16 at 23 at magkakaro’n ng parang reunion ang lahat ng Pinoy sa US dahil lahat ay pwedeng manood ng show ng libre. Halos lahat ng mga artista at host ng dalawang show plus ilang bossing ng Dos ang makakasama sa US.
* * *
Magtatapos na ngayong gabi ang labanan nina Nicole (Chae Rim)at Erika (Kim So Yun). Sa malas mas naging matagumpay si Nicole dahil naging tapat sa kanya si Kenneth (Jang Dong Gan) samantalang nawala ang nag-iisang nagmamahal kay Erika na si Warren (Han Hoc Suk), hanggang sa huli kaya ay magpapatuloy ang pamamayani ni Nicole? Abangan, mamayang gabi sa pagtatapos ng All About Eve, GMA7.
* * *
Napakaganda yung naisip ng Cinema One na pagpapalabas ng mga Original Digital Films dahil kinakapos man o wala nang pino-prodyus na mga pelikula ngayon, may alternative nang panoorin ang mga Pinoy.

Bukod sa mga magagaling na artista ang lalabas sa mga pelikulong ito, garantisado pa tayo ng mga bagong lasa ng pelikula dahil mga bagong pangalan ang gumawa ng mga ito.

Pero bago sa small screen ng ating mga telebisyon, sa malaking screen muna ng SM Cinemas ipalalabas ang mga pelikula na pinagsama-sama sa The Cinema One Originals Digital Film Frestival 2005 na magkakaro’n ng formal opening sa July 8 (Biyernes) sa pamamagitan ng cocktail style event at dadaluhan ng lahat ng mga artistang tampok sa anim na pelikulang kasali.

Ang filmfest ay pangungunahan ng Dilim, isang suspense thriller na nagtatampok kay Rica Peralejo na umaming nasusuya na siya sa mga pare-parehong tipo ng pelikulang ginagawa niya dahilan lamang sa pera kung kaya tinanggap niya ang offer ni Direk Topel Lee kahit pa wala siyang nakuhang pera for her effort.

Ang lima pang pelikula ay ang Sandalang Bahay nina Mark Gary at Denisa Reyes, tungkol sa Sandalang Sisters, ang pagtanggap nila sa nakaraan at katotohanan ng kanilang bukas, maging ito man ay hindi maganda. Tampok sina Albert Martinez, Ronnie Lazaro, Nonie Buencamino at marami pang iba.

Anak ng Tinapa
ni Jon Red. Tungkol sa dalawang crooked cops na nag-plant ng ilegal drugs sa ilang tao. Hindi nila alam ay nakukunan pala sila ng video ng ilang ambisyosong student filmmakers. Star sina China Cojuangco, Ryan Eigenmann, Atong Redillas.

Sa North Diversion Road
ni Dennis Marasigan. Nagtatampok sa l0 eksena lamang ng isang babae at lalaki na nakasakay sa isang bantam car at bumibiyahe sa North Diversion Road. Ang tema ay ang kataksilan ng lalaki. Tampok sina Irma Adlawan at John Arcilla.

Ang Anak ni Brocka
ni Sigfried Barros-Sanchez. Isang grupo ng mga investigative journalists ang nakatuklas ng isang 20 year old boy claiming to be the son of famous director Lino Brocka. Nag-guest dito sina Gina Alajar, Bembol Roco, Christopher de Leon at Phillip Salvador.

Sitak
ni Liza Cornejo, nagtatampok kina Chanda Romero, Lou Veloso, Gerry Cornejo at iba pa. Natanggal si Jack sa trabaho matapos ang 20 taong serbisyo. Magtatangka itong magpakamatay pero, makikila niya ang isang cab driver na ang istorya ay magi-encourage sa kanya to go behind the wheel and face the probable dangers that come with it.

Ang screening ng anim na pelikula ay gaganapin sa Hulyo 9 at 10 at bukas ito sa general public. Siniguro ng mga taga-Cinema One na nagbukas ng kanilang doors para sa mga new breed of film geniuses sa pamamagitan ng pagbibigay ng pera para magawa ang anim na pelikula na tinatayang magsisimula ng isang trend in digital film making, na maliit na halaga lamang ang sisingilin nila sa mga manonood.

Show comments