Ayon kay Jeremiah, noong bata pa sila ay hindi lang kuya ang turing niya kay Jericho kundi parang ama-amahan nila. Nagkahiwalay kasi ang kanilang magulang at naiwan sila sa poder ng ina.
"Masipag si kuya at noong bata pa ay nagtinda siya ng isda para makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Ako naman po at the age of 11 ay nagtinda ng banana at camote cue sa bilangguan sa Bicol. Nang maging artista si Kuya ay pinag-aral niya ako bilang bunso sa magkakapatid at ibinili pa kami ng bahay sa Antipolo," anang Jeremiah.
Ag payo ni Echo sa nakababatang kapatid ay mahalin ang trabaho at maging propesyonal.
"Sa tulong ni kuya ay nag-diet ako at nag-workout kaya nabawasan ng malaki ang aking timbang. Nasa Saudi ang aming ama kaya bale si Kuya ang tumatayo ding tatay ko. Mabait siyang talaga at gina-guide niya kami. Kung magaling na rapper si Kuya ang forte ko naman ay R&B," sey pa nito.
Type niyang makasama sa isang TV show o pelikula si Shaina Magdayao dahil idol niya ito.
Ano naman ang payo sa kanya ng kanyang Kuya Carlos?
"Maging humble lagi at ngayon nasa showbiz na ako ay mag-enjoy ako sa aking trabaho," dagdag pa ni Aaron.
Si Aaron ay katatapos lang ng high school sa St, Marys of the Woods at kukuha ng International Business sa college.
May edad na rin ang ginang na umiidolo sa aktor kaya nakiusap ito sa staff kung pwedeng makausap niya ang aktor kapag breaktime. Pinagbigyan naman siya kaya tuwang-tuwa itong naghintay sa aktor. Pero nang lumabas ito ay hindi man lang siya kinausap ng aktor at maya-maya ay tinawag pa ng kanyang manager. Alam naman nito ang pakay ng ginang sa kanyang alaga. "Ano na lang na pinagbigyan niya ang tagahanga at kinausap ito kahit sandali. Hindi talaga siya marunong magpahalaga sa kanyang tagahanga," sey ng staff.