Ilang ulit na rin itong pabalik-balak ng bansa, this time para i-promote ang kanyang fifth album na naglalaman ng awitin na kinanta niya in different languages at kolaborasyon nila ng isa pang Pilipina, si Tessy na taga-Zamboanga. Nagsasalita si Kitty ng pitong lengwahe Tagalog, Spanish, English. Italian, French, Arabic at mixed Italian and Arabic. Inenrol siya ng kanyang producer sa isang language school para maintindihan niya ang lyrics ng kanyang mga songs.
Ang kanyang mga awitin ay distributed sa Spain, Holland, Singapore at Indonesia. Hiling niya na sana ay mai-release din ang kanyang album na pinamagatang "Grazie a Te (Thank You)" dito sa Pilipinas.
Sa kabila ng kanyang tagumpay at kasikatan sa Italia, patuloy pa rin si Kitty sa kanyang trabaho bilang isang baby sitter. Sa kanyang mga pagtatanghal, madalas ay kasa-kasama niya ang mga batang kanyang inaalagaan.
Nakapagtanghal na si Kitty sa Giro Festival 2002 ka-duet ang aktres at dance-host ng Rai Uno Tevee na si Eleonora di Miele at sa Tuscany Song Festival 2003.
Nai-feature na sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story.
Sa presscon launch ng isang pabenipisyong konsyerto niya ay kumanta si Nina ng live, at wala itong ipinagkaiba sa album niya. Parang recording, and yet acapella ito.
Sumasama na naman ang anak ko sa Nina Live @ Metro "Jam For the Soul. Gusto raw niya itong mapanood ng live. Im sure kapag di ko ito isinama, manonood ito, kahit magbayad pa siya!. Alam niya maraming awitin ni Nina sa "Nina Live" ang makakasama sa kanyang repertoire sa show.
Ang concert na gagawin para sa kapakanan ng Hospicio de San Jose ay magaganap sa June 22 sa Metro Comedy Bar, West Ave., QÇ. Prodyus ito ng People Agency at magtatampok din sa The Contravidas, Wings Soriano at Arnold Soriano.
Ang concert ay co-presented ng G-MIK at sponsored ng Drysdale at Colgate-Palmolive.
American Idol ang konsepto ng palabas, 15 finalists ang sasailalim sa performance challenges weekly na kung saan may mae-eliminate kada linggo depende sa mga judges na sina Armida Siguion-Reyna, Boots Plata at Romeo Joven, creator at producer ng nasabing palabas. Maliban sa 3, nag-audition din sina Juliana Palermo, Andrea del Rosario, Rafael Rosell, Jao Mapa, Dimples Romana, Baron Geisler, January Isaac, Julia Clarete at marami pang iba.
Dahil sa di inaasahang pagkamatay ni Direktor Luigi Santiago na nakapag-direk na ng apat na episodes kasama na ang audition at elimination, siniguro ni producer Joven na may dalawa pa namang direktor ang show, siya at si Eric Quizon.