^

PSN Showbiz

Sikat nang singer sa Italia pero, patuloy pa rin sa pagiging nanny o baby sitter!

- Veronica R. Samio -
Dadalaw na naman ng bansa si Christina de Castro, ang tagapag-alaga ng bata sa Italia pero naging isang sikat na singer/recording star/performer. Labindalawang araw lamang siyang mananatili rito.

Ilang ulit na rin itong pabalik-balak ng bansa, this time para i-promote ang kanyang fifth album na naglalaman ng awitin na kinanta niya in different languages at kolaborasyon nila ng isa pang Pilipina, si Tessy na taga-Zamboanga. Nagsasalita si Kitty ng pitong lengwahe – Tagalog, Spanish, English. Italian, French, Arabic at mixed Italian and Arabic. Inenrol siya ng kanyang producer sa isang language school para maintindihan niya ang lyrics ng kanyang mga songs.

Ang kanyang mga awitin ay distributed sa Spain, Holland, Singapore at Indonesia. Hiling niya na sana ay mai-release din ang kanyang album na pinamagatang "Grazie a ‘Te (Thank You)" dito sa Pilipinas.

Sa kabila ng kanyang tagumpay at kasikatan sa Italia, patuloy pa rin si Kitty sa kanyang trabaho bilang isang baby sitter. Sa kanyang mga pagtatanghal, madalas ay kasa-kasama niya ang mga batang kanyang inaalagaan.

Nakapagtanghal na si Kitty sa Giro Festival 2002 ka-duet ang aktres at dance-host ng Rai Uno Tevee na si Eleonora di Miele at sa Tuscany Song Festival 2003.

Nai-feature na sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang life story.
* * *
Hindi nakapagtataka kung bakit bumebenta ang mga records ni Nina ngayon, lalo na yung pinaka-latest na album niya na naglalaman ng maraming revivals. Maganda kasi ang pagkakabanat niya ng mga awitin dito, pati nga ang anak ko na napaka-pihikan ng panlasa sa lahat ng bagay, lalo na sa musika, ay nakita kong bumili ng kanyang album. Hindi na nahintay na ipanghingi ko siya.

Sa presscon launch ng isang pabenipisyong konsyerto niya ay kumanta si Nina ng live, at wala itong ipinagkaiba sa album niya. Parang recording, and yet acapella ito.

Sumasama na naman ang anak ko sa Nina Live @ Metro "Jam For the Soul. Gusto raw niya itong mapanood ng live. I’m sure kapag di ko ito isinama, manonood ito, kahit magbayad pa siya!. Alam niya maraming awitin ni Nina sa "Nina Live" ang makakasama sa kanyang repertoire sa show.

Ang concert na gagawin para sa kapakanan ng Hospicio de San Jose ay magaganap sa June 22 sa Metro Comedy Bar, West Ave., QÇ. Prodyus ito ng People Agency at magtatampok din sa The Contravidas, Wings Soriano at Arnold Soriano.

Ang concert ay co-presented ng G-MIK at sponsored ng Drysdale at Colgate-Palmolive.
* * *
Pasok sina Raymond Bagatsing, John Arcilla at Pinky Amador sa upcoming reality series ng ABC5 at Next Generation Productions na pinamagatang Hollywood Dream. Stand out sila sa mga nag-audition para sa show.

American Idol
ang konsepto ng palabas, 15 finalists ang sasailalim sa performance challenges weekly na kung saan may mae-eliminate kada linggo depende sa mga judges na sina Armida Siguion-Reyna, Boots Plata at Romeo Joven, creator at producer ng nasabing palabas. Maliban sa 3, nag-audition din sina Juliana Palermo, Andrea del Rosario, Rafael Rosell, Jao Mapa, Dimples Romana, Baron Geisler, January Isaac, Julia Clarete at marami pang iba.

Dahil sa di inaasahang pagkamatay ni Direktor Luigi Santiago na nakapag-direk na ng apat na episodes kasama na ang audition at elimination, siniguro ni producer Joven na may dalawa pa namang direktor ang show, siya at si Eric Quizon.

AMERICAN IDOL

ARMIDA SIGUION-REYNA

ARNOLD SORIANO

BARON GEISLER

KANYANG

NINA

NINA LIVE

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with