Kahit ang film critic at TV host na si Butch Francisco ay humanga rin sa pelikula. Member ng CEB si Butch kaya napanood na niya ang movie. Nagustuhan din ang movie ng columnist na si Phillip Cu-Unjieng.
Maganda ang timpla ng love story, drama and suspense sa Nasaan Ka Man. Very unpredictable ang ending ng pelikula. Mahusay ang pag-develop nina Ricky Lee at Cholo Laurel sa script.
With the movie, inaasahan na mapapansin ang acting ng mga bida. Sinasabing ito raw ang pinakamahusay na performance ni Diether Ocampo sa movie. Medyo off-beat ang role niya sa movie.
Ang Nasaan Ka Man ay ang 12th anniversary offering ng Star Cinema.
Very proud na ibinalita ng Star Records na sa isang mall show ni Piolo, bumibenta ang nasabing album ng P100,000 worth of unit sold. Unprecendented ang record na ito ni Piolo. Sabi nga, bihirang tapatan ang nasabing record. Pati ang crowd na pumupunta sa mall shows ni Piolo ay talaga namang jampacked.
At base sa feedback, ang "Renditions: Piolo Sings Louie O" ang pinakamagandang album ni Piolo. Naglalaman ito ng mga awiting malapit sa puso ni Piolo. Majority ng cuts dito ay mga personal favorite din ni Piolo. No wonder, ang ganda talaga ng version ni Piolo sa mga nasabing songs.
Tama ba ang dinig ko na mas malakas sa airplay ng version ni Piolo ng Nasaan Ka Man (theme song ng movie ni Claudine) kesa sa version ni Christian Bautista? Kasama sa album ni Piolo ang sarili niyang version ng Nasaan Ka Man na original composition ni Louie Ocampo.
Matatandaan na nagkasama sina Erik at Regine sa 7-city U.S. shows at doon ay naging magkaibigan ang dalawa. When offered to record a song, Regine agreed right away.
Kasama rin sa album ni Erik ang isang composition ni Martin Nievera. Dream come true para kay Erik na magawan ng kanta ng kanyang idolo. Ngayong taon nakatakdang i-release ng Star Records ang bagong album ni Erik.