^

PSN Showbiz

Mas maganda ang version ni Piolo ng theme song ng 'Nasaan Ka Man' kesa kay Christian

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Ngayong araw ang showing ng Nasaan Ka Man, ang inaabangang pelikula ng Star Cinema na pinagbibidahan nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo. Pinag-uusapan ang pelikula dahil sa magandang reviews nito. Nagpalabas ang Cinema Evaluation Board o CEB ng kanilang review sa pelikula at binigyan ito ng High B rating. Kapuri-puri raw ang bagong obrang ito ni Cholo Laurel who is debuting as a film director. Highly-impressive din ang performance ng mga bida kasama na sina Hilda Koronel at Gloria Diaz.

Kahit ang film critic at TV host na si Butch Francisco ay humanga rin sa pelikula. Member ng CEB si Butch kaya napanood na niya ang movie. Nagustuhan din ang movie ng columnist na si Phillip Cu-Unjieng.

Maganda ang timpla ng love story, drama and suspense sa Nasaan Ka Man. Very unpredictable ang ending ng pelikula. Mahusay ang pag-develop nina Ricky Lee at Cholo Laurel sa script.

With the movie, inaasahan na mapapansin ang acting ng mga bida. Sinasabing ito raw ang pinakamahusay na performance ni Diether Ocampo sa movie. Medyo off-beat ang role niya sa movie.

Ang Nasaan Ka Man ay ang 12th anniversary offering ng Star Cinema.
* * *
Hindi lang sa pelikula at telebisyon hit si Piolo Pascual! Maging sa recording ay record-breaker ang album ni Piolo. Masayang ibinalita ng Star Records na selling-like-hotcakes ang bagong album ni Piolo, ang "Renditions: Piolo Sings Louie O."

Very proud na ibinalita ng Star Records na sa isang mall show ni Piolo, bumibenta ang nasabing album ng P100,000 worth of unit sold. Unprecendented ang record na ito ni Piolo. Sabi nga, bihirang tapatan ang nasabing record. Pati ang crowd na pumupunta sa mall shows ni Piolo ay talaga namang jampacked.

At base sa feedback, ang "Renditions: Piolo Sings Louie O" ang pinakamagandang album ni Piolo. Naglalaman ito ng mga awiting malapit sa puso ni Piolo. Majority ng cuts dito ay mga personal favorite din ni Piolo. No wonder, ang ganda talaga ng version ni Piolo sa mga nasabing songs.

Tama ba ang dinig ko na mas malakas sa airplay ng version ni Piolo ng Nasaan Ka Man (theme song ng movie ni Claudine) kesa sa version ni Christian Bautista? Kasama sa album ni Piolo ang sarili niyang version ng Nasaan Ka Man na original composition ni Louie Ocampo.
* * *
Pagkatapos ng sunud-sunod na success sa recording, concerts at shows (both locally and internationally), inihahanda na ni Erik Santos ang kanyang bagong album sa Star Records. Isang kaaba-abang ay ang komposisyon ni Erik, ang "Kung Maalaala Mo," isang love song na talaga namang bibihag sa puso ng bawat makarinig. Isang malaking treat sa album ay ang song na pagsasamahan nila ni Regine Velasquez.

Matatandaan na nagkasama sina Erik at Regine sa 7-city U.S. shows at doon ay naging magkaibigan ang dalawa. When offered to record a song, Regine agreed right away.

Kasama rin sa album ni Erik ang isang composition ni Martin Nievera. Dream come true para kay Erik na magawan ng kanta ng kanyang idolo. Ngayong taon nakatakdang i-release ng Star Records ang bagong album ni Erik.

ALBUM

CHOLO LAUREL

DIETHER OCAMPO

ERIK

NASAAN KA MAN

PIOLO

PIOLO SINGS LOUIE O

STAR CINEMA

STAR RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with