"Sa mga naging teleserye ko, naging gf ko ang lahat ng naging leading ladies ko," sabay tawa ni Echo. "Joke lang po. Kinabahan tuloy si Heart," anang aktor.
Ayon kay Heart, crush ng kanyang mommy si Echo at boto siya sa aktor para sa kanyang anak.
"Ayoko na ng mga boy next door, gusto ko yong guy na handa akong ipaglaban. Im already 21 pero di pa rin maintindihan ni Daddy. Mabuti na lang nandiyan si Mommy at kapag gusto nito ang guy na close sa akin ay ipinaglilihim niya ito kay Daddy," aniya.
Sa kabilang banda, naniniwala ang mga director na sina Toto Natividad at Richie del Carmen na may magic ang kumbinasyon nina Heart at Echo sa Panday.
Inamin ni Keempee na gusto niyang magkaroon ng nobya na mas higit na bata kaysa sa kanya.
Loveless ngayon si Vina Morales na dati niyang gf kaya may nagsa-suggest sa komedyante kung bakit di niya ligawan muli ang aktres.
Bakit kayo napunta sa Dos at di sa Syete gayung narun ang inyong mommy? Tanong ko sa dalawa.
"Dati na po kami sa Dos dahil noong five years old kami ay naging myembro kami ni Bianca ng Ang TV," sey ni Katrina.
Nagsimula ang dalawa sa komersyal noong bata pa at nakalabas na rin sa ilang pelikula gaya ng Wag Na Wag Kang Lalayo at Ang Titser Kong Pogi.
Pansamantalang huminto sa showbiz ang kambal at dahil malakas ang kaway sa showbiz ay naglambing sila sa kanilang mommy na payagan uli sila sa pag-aartista. Kaya lang may kundisyon na dapat i-maintain pa rin ang mataas na grade at wala munang boyfriend na sinunod naman nila.
Ang sexy actor na dating modelo na malikot ang kamay ay hindi naman nababakante sa telebisyon at sexy movies dahil bukod sa gwapo ay malakas talaga ang sex appeal nito.