Naging gf lahat ng nakapareha, sumunod din kaya si Heart ?
June 14, 2005 | 12:00am
May nagtanong kay Jericho Rosales kung may posibilidad na magkaroon sila ng relasyon ni Heart Evangelista?
"Sa mga naging teleserye ko, naging gf ko ang lahat ng naging leading ladies ko," sabay tawa ni Echo. "Joke lang po. Kinabahan tuloy si Heart," anang aktor.
Ayon kay Heart, crush ng kanyang mommy si Echo at boto siya sa aktor para sa kanyang anak.
"Ayoko na ng mga boy next door, gusto ko yong guy na handa akong ipaglaban. Im already 21 pero di pa rin maintindihan ni Daddy. Mabuti na lang nandiyan si Mommy at kapag gusto nito ang guy na close sa akin ay ipinaglilihim niya ito kay Daddy," aniya.
Sa kabilang banda, naniniwala ang mga director na sina Toto Natividad at Richie del Carmen na may magic ang kumbinasyon nina Heart at Echo sa Panday.
Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng girlfriend si Keempee de Leon. Sabi nga nito, "Im really longing to have a girlfriend now. Syempre mas masarap kapag may kasama ka sa panonood mo ng sine o kayay pagdalo sa mga showbiz gathering lalo na sa awards night o premiere night. Higit sa lahat pag may nobya ka, feel mo ang pag-aalala nito.
Inamin ni Keempee na gusto niyang magkaroon ng nobya na mas higit na bata kaysa sa kanya.
Loveless ngayon si Vina Morales na dati niyang gf kaya may nagsa-suggest sa komedyante kung bakit di niya ligawan muli ang aktres.
Isa sa inilunsad bilang myembro ng Star Circle Batch 13 ay ang kambal na sina Katrina at Bianca Aguila na anak ng pamosong talent manager na si Becky Aguila ng GMA 7.
Bakit kayo napunta sa Dos at di sa Syete gayung narun ang inyong mommy? Tanong ko sa dalawa.
"Dati na po kami sa Dos dahil noong five years old kami ay naging myembro kami ni Bianca ng Ang TV," sey ni Katrina.
Nagsimula ang dalawa sa komersyal noong bata pa at nakalabas na rin sa ilang pelikula gaya ng Wag Na Wag Kang Lalayo at Ang Titser Kong Pogi.
Pansamantalang huminto sa showbiz ang kambal at dahil malakas ang kaway sa showbiz ay naglambing sila sa kanilang mommy na payagan uli sila sa pag-aartista. Kaya lang may kundisyon na dapat i-maintain pa rin ang mataas na grade at wala munang boyfriend na sinunod naman nila.
Gaano katotoo ang naibulong ng aking source na may kalikutan din pala ang kamay ng sexy actor na ito na dating ramp model? Kapag may fashion show sila ay nagrereklamo ang mga kasamahan nitong male models dahil nawawalan daw sila ng alahas at pera.
Ang sexy actor na dating modelo na malikot ang kamay ay hindi naman nababakante sa telebisyon at sexy movies dahil bukod sa gwapo ay malakas talaga ang sex appeal nito.
"Sa mga naging teleserye ko, naging gf ko ang lahat ng naging leading ladies ko," sabay tawa ni Echo. "Joke lang po. Kinabahan tuloy si Heart," anang aktor.
Ayon kay Heart, crush ng kanyang mommy si Echo at boto siya sa aktor para sa kanyang anak.
"Ayoko na ng mga boy next door, gusto ko yong guy na handa akong ipaglaban. Im already 21 pero di pa rin maintindihan ni Daddy. Mabuti na lang nandiyan si Mommy at kapag gusto nito ang guy na close sa akin ay ipinaglilihim niya ito kay Daddy," aniya.
Sa kabilang banda, naniniwala ang mga director na sina Toto Natividad at Richie del Carmen na may magic ang kumbinasyon nina Heart at Echo sa Panday.
Inamin ni Keempee na gusto niyang magkaroon ng nobya na mas higit na bata kaysa sa kanya.
Loveless ngayon si Vina Morales na dati niyang gf kaya may nagsa-suggest sa komedyante kung bakit di niya ligawan muli ang aktres.
Bakit kayo napunta sa Dos at di sa Syete gayung narun ang inyong mommy? Tanong ko sa dalawa.
"Dati na po kami sa Dos dahil noong five years old kami ay naging myembro kami ni Bianca ng Ang TV," sey ni Katrina.
Nagsimula ang dalawa sa komersyal noong bata pa at nakalabas na rin sa ilang pelikula gaya ng Wag Na Wag Kang Lalayo at Ang Titser Kong Pogi.
Pansamantalang huminto sa showbiz ang kambal at dahil malakas ang kaway sa showbiz ay naglambing sila sa kanilang mommy na payagan uli sila sa pag-aartista. Kaya lang may kundisyon na dapat i-maintain pa rin ang mataas na grade at wala munang boyfriend na sinunod naman nila.
Ang sexy actor na dating modelo na malikot ang kamay ay hindi naman nababakante sa telebisyon at sexy movies dahil bukod sa gwapo ay malakas talaga ang sex appeal nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am