^

PSN Showbiz

Sarah, in love kay Japoy Lizardo

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Isang Viva insider ang nagkwento na hindi totoong nagbigay ng pera (P500,000) ang sexy actress na si Patricia Javier para lang magkaroon ng album sa recording outfit ng nasabing kumpanya. "Wala pa naman siyang gano’n kalaking pera noon kaya hindi siya pwedeng magbigay ng sinasabi niyang pera sa amin," react ng isang taga-Viva.

"Usually pag mga artista na ganyan, kami pa ang nagbibigay ng advance payment," added my source.

Sila pa nga raw ang dapat maghabol dahil kahit may contract noon si Patricia sa Viva ay nakagawa ito ng album sa ibang recording company ayon sa source na nag-request na ‘wag na lang siyang pangalanan.

Naglalabasan ngayon ang kwento tungkol sa sinasabing paghahabol ni Patricia ng pera niya sa Viva na nagbago na pala ngayon ng name.
* * *
Looks like tinamaan na ni kupido si Sarah Geronimo. Kinikilig daw ito ngayon kay Japoy Lizardo na partner niya sa kanyang latest music video. Say ni Chai ng Viva, "Sobra ang kilig niya nang akbayan siya ni Japoy."

Kung sabagay, panahon na para kiligin si Sarah. Hindi talaga kasi nag-materialize ang team up ni Mark Bautista dahil consistent si Sarah sa pagtawag ng Kuya kay Mark.

And guess, si Sarah pa ang nag-request sa Viva na si Japoy ang gusto niyang maka-partner sa nasabing music video. Obviously, pinagbigyan siya.

Speaking of Sarah, August or Sept. na itutuloy ang kanyang solo concert sa Araneta Coliseum.

Sa July 23 sana ito naka-schedule, kasabay sana ng birthday ni Sarah.

Pero wala silang choice kundi ibahin ang schedule dahil sa rami ng naka-line up na gawin ng Teen Princess.

Pagbalik niya galing sa paglilibot sa Amerika para sa Return of the Champions, may gagawin agad si Sarah na movie under Star Cinema. At kailangan niya ring bumalik ng Amerika para sa ASAP sa LA and San Francisco.

Hindi rin kasama si Sarah sa Season 2 ng Search For The Star In A Million. Sina Rachelle Ann Go, Erik Santos, Sheryn Regis and Mark Bautista na ang magho-host.
* * *
So si Heart Evangelista na raw ang final choice para maging leading lady ni Jericho Rosales sa Ang Panday.

Si Heart na raw ang papalit sa newcomer na si Melissa Ricks na hindi marunong umarte kaya tinanggal sa nasabing fantaserye na nagpatagal sa taping ng Ang Panday ayon sa source.

Marami raw eksena ang kailangang i-reshoot sa Panday dahil nga sa mga eksena ni Melissa.
* * *
Happy nth birthday to my beloved mother, Rosalina Vedad-Asis today, June 11 of Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte. I love you mother.

vuukle comment

AMERIKA

ANG PANDAY

ARANETA COLISEUM

CAMARINES NORTE

ERIK SANTOS

HEART EVANGELISTA

JAPOY

MARK BAUTISTA

SARAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with