Walang ginagawang pelikula si Regine ngayon at sa Pinoy Pop Superstar at SOP lang siya busy. If ever, schedule ni Piolo ang magiging problemat sabay nitong gagawin ang teleserye nila ni Judy Ann Santos. Sa July na raw sisimulan ang taping ng balik-teleserye ng dalawa na ididirehe nina Rory Quintos at Jerry Sineneng.
Kaya kahit kakwentuhan namin siya ng ilang minuto, hindi pa rin namin siya nagawang usisain tungkol doon. Pero, naitanggi na pala ni Karel ang kinasangkutang kontrobersya. Hindi raw siya yun pero naapektuhan siya at ilang araw din niyang iniyakan.
Ang ipinagpasalamat lang ni Karel, hindi naniwala ang kanyang mga kaibigan na siya ang babaing nasa video. Wala rin daw epekto yun sa kanyang career dahil hindi naniwala ang ABS-CBN. Hindi siya inalis sa pagiging VJ sa MYX at isinama pa nga sa QPIDS. Ang pinaka-importante sa lahat, hindi nag-atrasan ang mga kumuha sa kanyang maging product endorser.
Incidentally, first time magsasama sina Karel at ang ina niyang si Pinky Marquez sa Disneys Beauty and the Beast. Sa June 16 na ang gala premiere nito sa Meralco Theater sa direksyon ni Bobby Garcia.
Sobrang concerned daw si Yasmien sa loveteam nila ni Rainier at ginagawa ang lahat para mas sumikat pa ito. Dahilan din ito para maging inconsistent ang dalagita sa pag-amin sa relasyon nila ni Rainier. Kung kay Reggee Bonoan umamin siyang sila na ni Buboy (Rain, ang tawag sa kanya ni Yasmien), sa ibang reporter ay Thrulse ang sagot ni Yasmien. Kaloka talaga!
Samantala, ilo-launch sa SOP sa June 19 ang debut album ni Yasmien sa GMA Records. In "The Name of Love" ang title ng 10-cut album na ang carrier single ay ang "I Know" na theme song ng Sweet 18. OPM ito pero tunog foreigner kaya, ang Yasmien, tuwang-tuwa nang mabasang ikinumpara sa foreign song ang kanta.
May itinutukso sa female TV personality na kasama rin niya sa show at tanggap ito ng viewers. Patunay ang patuloy na pagtaas ng rating ng kanilang show at ang malakas na sigawan kapag tinukso na sila ng mga kasama.
Naku, masasaktan nito ang male TV host pag nalamang committed pa ang nililigawang TV female personality. Obvious pa namang malaki ang gusto niya sa dalaga.