Stella, kumain ng alikabok!
June 12, 2005 | 12:00am
Lahat ng dumalo sa launching ng Pinoy Fresh album ng Galaxy Records ay humanga sa husay kumanta ni Stella Ruiz.
Ang dalawang kantang kasama sa album ang inawit niya ng live. Una, ang isang revival, "Missing You" na pinasikat ni John Waite at sinundan ito ng "Cry Over You" na isang original composition ni Hermie Flores.
Sa "Cry Over You" na siyang carrier single ng Pinoy Fresh album ay si Stella pa mismo ang nag-acoustic guitar. Mahusay din siyang gitarista.
Nang tumigil palang gumawa ng pelikula si Stella, nag-concentrate na siya sa pagkanta, hanggang naging isang world-class performer.
Halos lahat ng malalaking venue, kabilang na ang ilang five-star hotels naligid na ni Stella as a live performer. Maging sa Crowne Hotel sa San Francisco, California, naitampok na siya sa isang live concert.
Ang dalawang kanta niya sa Pinoy Fresh album ay bilang pasakalye pa lamang ng kanyang pagiging recording artist. Malapit ng matapos ang kanyang debut solo album, na malamang na ilabas din ng Galaxy Records.
Merong music video ang "Cry Over You" na ayos naman ang pagka-produce. Reklamo lang ni Stella, puro alikabok ang nalanghap niya habang shooting. Sa isang lumang bodega kasi ang kanilang location sa kabuuan ng music video, kayat talagang marumi at maalikabok dito.
Pati nga ang mga gowns na sinuot ni Stella sa shoot, nag-iba na ng kulay pagkatapos nilang mag-shooting.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended