In love pa rin kay Heart !

Nakakwentuhan namin si John Prats at inaming nang mag-split sila ni Heart Evangelista ay wala pang babaeng nakakapalit nito sa kanyang puso. Labis siyang nasaktan sa kanilang paghihiwalay na ang naging dahilan ay ang pagiging seloso nito. One year and three months ding naging mag-on ang dalawa.

Hindi naman niya isinasara ang kanyang puso at kung sakaling magkabalikan sila balang araw ay okey lang.

Bukod kay Heart, tinanong namin si John kung sakaling magkakaroon siya ng nobya (hypothetical) ay gusto niya bang si Maja Salvador.

"Kilala na kasi nito ang buong pagkatao ko at sobra ang pagiging malambing nito," dagdag pa ni John.

Sa kabilang banda, naging magaan ang trabaho nila ni Maxene Magalona dahil may bonding na silang dalawa. Madalas kasi silang magkatrabaho sa Daddy Di Do Du.

Pinabulaanan din ni John na may namumuong relasyon sa kanila ni Nikki Gil.

"Hindi pa kami nito nagkikita at nagkakausap kaya nagtataka ako kung bakit kami nali-link sa isa’t isa. Ginugudtaym lang ako ni Luis Manzano kay Nikki pero hindi totoo yun," dagdag pa nito.
Mas Kilala Sa Bulacan Kaysa Cebu
Inamin ni Karylle na noong magpunta sila sa Cebu ng GMA 7 ay hindi siya gaanong kilala ng mga tao bilang si Alena ng Encantadia. Pero nang maimbitahan siyang mag-Reyna Elena sa Bulacan ay masyado itong na-touched dahil tinatawag siya ng mga tao ng pangalan niya sa Encantadia. Ang iba naman ay hinihipo ang kanyang buhok lalo na ng mga bata at itinatanong kung tunay ba ang kanyang kulut-kulot na buhok.

Saan siya nag-e-enjoy ng husto sa Encantadia?

"Enjoy ako sa fight scenes at kahit minsan ay nasasaktan ako ay ok lang lalo na pag nakikipaglaban ng arnis at ng long stick. Nag-aral naman ako ng fight routines bilang paghahanda nito. Gustung-gusto ko rin kapag nagteteyping kami sa Daranak Falls dahil mahilig akong mag-nature tripping," sey pa ng magandang aktres.

Sa kabilang banda maraming kasamahang artista sa fantaserye ang kinikilig sa pagiging sweet nina Karylle at Dingdong sa isa’t isa.

Ayon nga sa aktor ay nagustuhan niya ang kasimplihan ng nobya at ang pagiging maalalahanin nito.
Isasama Ang Ama Sa Dream House
Hindi kami magtataka kung bakit maganda ang karma ni Angel Locsin. Mabuting anak kasi ito at kapatid. Kayod-marino ang magandang aktres dahil gusto niyang makabili ng dream house na natagpuan na nito sa Vista Real Subdivision sa may Commonwealth. Three storey ang bahay at may attic.

Malaki ang bahay at may pwesto na run ang mga kapatid niya. Isasama na rin nito ang kanyang ama. Kapag nabili na rin nito ang bahay ay pauupahan na lang nito ang kanyang condo unit.

Magsisimula na sila ng pelikula ni Richard Gutierrez na kukunan sa San Francisco o sa Canada. Mas maraming kissing scenes ang dalawa sa movie na inaasahan ding magiging blockbuster gaya ng Let The Love Begin.
Naglalampungan Sa Boracay
May naisyete ang aking source tungkol sa dalawang celebrities– isang sikat na young actress at ang nobyo nitong nabibilang sa angkan ng pulitiko na sweet na sweet habang naglalampungan sa Boracay beach.

Noong una ay deny to death pa ang magandang aktres tungkol sa kanyang non-showbiz boyfriend na ito pero wala na siguro siyang maitatago dahil sa lantarang relasyon na ipinakita nila habang nasa Boracay.

Show comments