27 counts ng libel isinampa ni Hero laban kay Cristy Fermin
June 10, 2005 | 12:00am
Nagsampa kahapon sa Pasig City Prosecutors Office ng 27 kasong libelo ang matinee idol na si Hero Angeles at ang nakatatandang kapatid nitong tumatayong kanyang manager laban kay Cristy Fermin dahil sa mga negatibong sinusulat ng huli laban sa aktor.
Dakong alas-10:00 10 NU nang pormal na magsampa si Hero 20, grand questor ng Star Circle Quest sa ABS-CBN, sa tanggapan ni City Prosecutor Anuncacion Hipol kasama ang kanyang buong pamilya at abogadong si Bonifacio Alentajan upang pormal na sampahan ang kolumnistang si Cristineli (Cristy) Fermin dahil sa mga negatibong isinulat nito sa kanyang mga column sa ibat ibang tabloid.
Nabatid na 14 na kasong libel ang isinampa ni Hero samantalang 13 naman ang sa kapatid/manager nitong si Henry Angeles, 25-anyos. Sa panayam sa aktor, sinabi nitong nagdesisyon siyang magsampa ng kaso laban kay Fermin dahil sa halos araw-araw nitong banat sa kanya at idinadamay na pati buong pamilya sa kanyang mga column sa ibat ibang tabloid kung saan columnist ito.
Dinagdag pa ng aktor na sinubukang "ayusin" ng management ng ABS-CBN ang nasabing kaso dahil pareho naman silang talent ng istasyon subalit hindi nagkaayos ang magkabilang panig kaya natuloy ang demandahan.
Ilan sa mga banat ni Fermin sa aktor sa kanyang mga column ay ang pagkwestyon sa "gender" issue nito at ang pagiging anay umano sa aktor ng kanyang kapatid/manager na siya umanong pagsisimulan ng pagbagsak ng aktor. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am