Sa totoo lang, hindi na kami nagulat dahil nung time na ibinalita sa amin ay may nakausap din kaming taong malapit sa dalaga at inaming nahihirapan nga siyang maka-recover dahil mahal na mahal niya ang actor.
Nakakalungkot isipin dahil nagagamit si Kristine sa promo ng pelikula nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether na malapit nang ipalabas.
Dagdag pa ng fan, "Hindi nga po nagkikibuan sina Tin at parents niya, narinig ko, nagpagamit ka na naman!"
At sumagot daw si Kristine ng, "Mahal ko po, okey lang yun."
Sana nga kumita ang movie para hindi naman nasayang ang panggagamit kay Kristine dahil sa mga naglabasang write-ups na iisa ang nilalaman, kontrabida si Kristine Hermosa.
Nakakalungkot isipin na dumating na sa ganitong sitwasyon ang magkapatid, "Hindi na po namin makayanan ang nababasa namin araw-araw sa mga diyaryo, masyado na po kaming nadudurog," pahayag sa amin ni Henry.
"Hindi na po nakakatulog ng maayos ang parents ko dahil sa mga isyu, nadadamay sila na hindi naman dapat," panig naman ni Hero.
Handa raw ang magkapatid sa kahihinatnan ng kasong isinampa nila at kung ano rin daw ang gagawin sa kanila ng ABS-CBN Star Magic ay handa sila.
Balitang isususpinde sila ng Star Magic dahil sa mga ginagawa nilang pagpapa-interbyu sa mga reporter na identified daw sa GMA 7, nadagdagan pa ang hindi magandang pagtrato nila sa staff ng The Buzz na gustong ikober ang 11th Heros Day na ginanap sa SM City last Sunday?
"Kung hindi po kami magsasalita, paano malalaman ng lahat kung ano ang totoo? Ilang beses na kaming nagpaliwanag sa mga press sa ABS, hindi naman kami pinakikinggan.
"Yung sa coverage ng fans day, hindi kami ang may say don, ang Skechers kasi sila ang sponsor kasama na ang SM, sabi nila, bawal ang TV coverage kasi baka magamit kasi nga libre yung show.
"At saka, bakit bigla silang nag-effort na ikober ang 11th Heros Day, e, yung mga naunang fans day, hindi naman sila interesado? Nag-ask ako noon ng coverage, wala raw, tapos ngayong anibersaryo, biglang gustong ikober?
"Sa rami na ng bagyong pinagdaanan ko, sa rami na ng kasong nalampasan ko, ngayon pa ba ako mapapagod, e, halos doon na ako nakatira sa korte? Karapatan nilang magdemanda, walang makapipigil don," pahayag ni Tita Cristy sa kabilang linya ng telepono.
Nabanggit ng kilalang manunulat na walang nag-utos sa kanyang tirahin si Hero at ang pamilya niya, "Alam ng ABS-CBN na hindi nila ako pwedeng turuan o pigilan ng isusulat ko dahil karapatan ko iyon bilang manunulat."
At binanggit namin na isa sa nag-trigger sa magkapatid na ituloy ang kaso ay ang sinabing "Lumuhod at magmakaawa kayo kay Cristy Fermin."
Nagulat si Tita Cristy, "Ha? Hindi ako Diyos para luhuran, wala akong sinabing ganyan at bakit ko sasabihin yun, how can I defend that, I wasnt there?" katwiran pa.
"Madali akong kausap, sana hindi sila nakinig sa iba, madali akong lapitan," dagdag pa. Reggee Bonoan