Pagdating sa loob ng Japanese Embassy kung saan isinasagawa ang interview, hindi rin nakatiis ang ibang mga aplikante na hindi humingi ng autograph kay Angel. Maging ang Japanese consul na nag-interview sa grupo ni Angel ay hindi makapaniwala kung gaano kasikat na celebrity ang nasa kanyang harapan until magtanong ito sa kanyang katabing Filipino consul na siyang nagsabi na sikat na sikat ito sa Pilipinas. Maging ang mga Filipino staff sa loob ng consulate ay lumabas para lamang makita si Angel.
Si Angel, kasama ang kanyang handler na si Gen Magno at para make-up artist na si Gigi Gatlabayan ay tutulak patungong Tokyo, Japan ngayong Sabado, Hunyo 11 para sa Philippine Independence Day celebration on June 12 na gaganapin sa Asukayama Park ng Oji, Kita-ku, Tokyo.
Dahil showing na sa Japan simula pa nung nakaraang Lunes, June 6 ang Darna, ipu-promote doon ni Angel ang kanyang top-rating tele-fantasya na naka-Darna costume sa ating mga kababayan sa Japan. Nalulungkot nga si Angel dahil agad siyang aalis babalik ng Maynila.
Ngayong nasa Korea na si Sandara Park at umamin na si Joseph Bitangcol sa kanilang relasyon, mukhang nangangailangan si Hero Angeles ng bagong ka-loveteam at may plano ang ABS-CBN na ipareha si Sarah kay Hero.
Ang kaibahan lang nina Juliana, Jenny at Kitchie ay may pagkakataon silang makapamasyal kahit papaano kumpara kay Angel na overnight lamang mananatili sa Japan.
Pinangakuan namin si Angel na dadalhin namin siya sa Roppongi sa gabi ng June 11 para makapamili sa 24-hour department store na Don Quijote. Mula sa Roppongi ay makikita rin niya ang isa sa mga landmarks ng Japan, ang Tokyo Tower. Nangako naman kami kina Juliana at Jenny na ipapasyal namin sila sa Tokyo Disneyland kapag meron kaming oras.