Mahirap nang pigilan ang mabilis na pagsikat ng
Regatta Girls. Kailan lamang nabuo ang grupo ng pitong kabataang babae na ito ng negosyanteng si
Ed Manuel pero nakatapos na silang mag-record ng kanilang debut album na ang carrer single ay "Karagatan", isang komposisyon ni
Rene dela Rosa. Nagsisimula na ang negosasyon para mapatugtog ito sa mga FM stations, at gayundin sa AM stations. Bagaman at may pagka-naughty ang tema ng awitin, siniguro ng kompositor na hindi ito bastos, bagkus ito ay tumatalakay sa kagandahan ng dagat at ang buting idinudulot nito sa tao. Pinili ni G. Manuel, producer din ng
Regatta Films & Entertainment Productions, ang awitin dahil sa kakaibang mensahe nito at ang pagiging komersyal nito. Naniniwala siyang mabilis itong maiibigan ng mga tagapakinig.
Nasa preprod na rin ang unang pelikula na gagawin ng
Regatta Girls na ang sumulat ng istorya at magdi-direk din ng movie ay si
Neal Buboy Tan. Pinamagatang
Beach Bums, isa itong pelikula with a cause, ang kikitain nito ay mapupunta sa mga environmental projects. Sinabi rin ni G. Manuel na lahat ng gagawin niyang pelikula ay may focus sa environment. Dahil naniniwala siyang mahirap makipag-kompitensya sa mga foreign films, lalo nat taghirap ang ating ekonomiya ngayon, lahat ng gagawin niyang pelikula ay makakatulo sa environment at maging sa pamahalaan.
Hindi ako sure kung favorable sa lalabas na pelikula ni
Cong. Mikey Arroyo ang pagkakasangkot niya sa isyu ng jueteng. He should be grateful na may mga kasama siya sa pelikula, tulad ni
Anna Leah Javier, na umaagaw ng pansin ng mga tagasubaybay ng local movies sa pamamagitan ng pagkakaron nito ng sarili niya ng isyu against another man from Congress. Kina Mikey at Anna Leah pa lamang malaking mileage na ang nakukuha ng
Sablay Ka Na...Pasaway Ka Pa ng Cine Suerte na kung saan ay tampok silang dalawa, kasama sina
Ethel Booba, Katrina Halili, Mike "Pekto" Nacua, Al Tantay, Renee Summer, John Apacible, Salbakuta at si Cong. Rene Boy Espina, sa direksyon ni
Willy Milan. Pwedeng tawaging role model ng mga kabataan si
JC Cuadrado, segment host ng
Showbiz # 1 at regular na napapanood, Lunes hanggang Biyernes sa
Breakfast Show ng
Studio 23. Wala siyang bisyono cigarette, no liquor and no late night gimmicks. Kahit nagtatrabahoy sinisikap niyang tapusin ang kanyang Entrepreneurial course sa University of Asia and the Pacific, graduating na siya next year.
May ideal girl si JC. "Gusto ko yung down to earth. Classy pero, maari ring pang-masa. Di pasosyal o maarte at maari mong dalhin kahit saan. "
May nagbubuo ng
JC Cuadrado Fans Club, kung interesado kayo, call up his manager,
Mr. Bobby Nazareno, 0917-4418967.