Regatta Girls, may album na, may pelikula pa!
June 8, 2005 | 12:00am
Mahirap nang pigilan ang mabilis na pagsikat ng Regatta Girls. Kailan lamang nabuo ang grupo ng pitong kabataang babae na ito ng negosyanteng si Ed Manuel pero nakatapos na silang mag-record ng kanilang debut album na ang carrer single ay "Karagatan", isang komposisyon ni Rene dela Rosa. Nagsisimula na ang negosasyon para mapatugtog ito sa mga FM stations, at gayundin sa AM stations. Bagaman at may pagka-naughty ang tema ng awitin, siniguro ng kompositor na hindi ito bastos, bagkus ito ay tumatalakay sa kagandahan ng dagat at ang buting idinudulot nito sa tao. Pinili ni G. Manuel, producer din ng Regatta Films & Entertainment Productions, ang awitin dahil sa kakaibang mensahe nito at ang pagiging komersyal nito. Naniniwala siyang mabilis itong maiibigan ng mga tagapakinig.
Nasa preprod na rin ang unang pelikula na gagawin ng Regatta Girls na ang sumulat ng istorya at magdi-direk din ng movie ay si Neal Buboy Tan. Pinamagatang Beach Bums, isa itong pelikula with a cause, ang kikitain nito ay mapupunta sa mga environmental projects. Sinabi rin ni G. Manuel na lahat ng gagawin niyang pelikula ay may focus sa environment. Dahil naniniwala siyang mahirap makipag-kompitensya sa mga foreign films, lalo nat taghirap ang ating ekonomiya ngayon, lahat ng gagawin niyang pelikula ay makakatulo sa environment at maging sa pamahalaan.
Hindi ako sure kung favorable sa lalabas na pelikula ni Cong. Mikey Arroyo ang pagkakasangkot niya sa isyu ng jueteng. He should be grateful na may mga kasama siya sa pelikula, tulad ni Anna Leah Javier, na umaagaw ng pansin ng mga tagasubaybay ng local movies sa pamamagitan ng pagkakaron nito ng sarili niya ng isyu against another man from Congress. Kina Mikey at Anna Leah pa lamang malaking mileage na ang nakukuha ng Sablay Ka Na...Pasaway Ka Pa ng Cine Suerte na kung saan ay tampok silang dalawa, kasama sina Ethel Booba, Katrina Halili, Mike "Pekto" Nacua, Al Tantay, Renee Summer, John Apacible, Salbakuta at si Cong. Rene Boy Espina, sa direksyon ni Willy Milan.
Pwedeng tawaging role model ng mga kabataan si JC Cuadrado, segment host ng Showbiz # 1 at regular na napapanood, Lunes hanggang Biyernes sa Breakfast Show ng Studio 23. Wala siyang bisyono cigarette, no liquor and no late night gimmicks. Kahit nagtatrabahoy sinisikap niyang tapusin ang kanyang Entrepreneurial course sa University of Asia and the Pacific, graduating na siya next year.
May ideal girl si JC. "Gusto ko yung down to earth. Classy pero, maari ring pang-masa. Di pasosyal o maarte at maari mong dalhin kahit saan. "
May nagbubuo ng JC Cuadrado Fans Club, kung interesado kayo, call up his manager, Mr. Bobby Nazareno, 0917-4418967.
Nasa preprod na rin ang unang pelikula na gagawin ng Regatta Girls na ang sumulat ng istorya at magdi-direk din ng movie ay si Neal Buboy Tan. Pinamagatang Beach Bums, isa itong pelikula with a cause, ang kikitain nito ay mapupunta sa mga environmental projects. Sinabi rin ni G. Manuel na lahat ng gagawin niyang pelikula ay may focus sa environment. Dahil naniniwala siyang mahirap makipag-kompitensya sa mga foreign films, lalo nat taghirap ang ating ekonomiya ngayon, lahat ng gagawin niyang pelikula ay makakatulo sa environment at maging sa pamahalaan.
May ideal girl si JC. "Gusto ko yung down to earth. Classy pero, maari ring pang-masa. Di pasosyal o maarte at maari mong dalhin kahit saan. "
May nagbubuo ng JC Cuadrado Fans Club, kung interesado kayo, call up his manager, Mr. Bobby Nazareno, 0917-4418967.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended