Jean, iniyakan si Gardo

I had the chance na mapanood ang Magandang Umaga Pilipinas, ang bagong morning show ng ABS-CBN na nagsimula noong Lunes. Bale ito ang reformatted version ng Magandang Umaga Bayan. Sa MUP, retained sina Tintin Bersola, Julius Babao, Bernadette Sembrano, TJ Manotoc, Winnie Cordero at Benjie Felipe. Addition sa family sina Ryan Agoncillo, Bianca Gonzales at Cheryl Cosim.

Marami akong nakitang pagbabago sa show. Unang-una, impressive ang bagong set. While watching, napansin ko na may hawig ang set ng MUP sa ETC, ang morning show sa America. Pati ang reportage ay iba na rin.

Wala nang duda ang kahusayan at karisma nina Tintin at Julius. Epitomy na yata sila ng morning show, expert ika nga. Alas Singko Y Medya pa lang, tagahanga na ako ng mag-asawa.

Eversince, hanga na ako kay Ryan Agoncillo. Bilib ako sa hosting skills niya. Mas lalo pa akong humanga nang mapanood ko siya sa MUP. Si Ryan kasi is one host na pwede sa kahit ano’ng talk show. Mapa-English man o Tagalog ang medium.

Kahit si Bianca, big surprise sa akin ang bagitong TV host na ito. Dati ko na siyang napapanood sa Y Speak pero mas napansin ko siya ngayon sa MUP. Gusto ko ang energy level niya. Ang taas. Very promising talaga si Bianca. Si Bianca ay kapatid ng isa pang ABS-CBN host na si JP Gonzales.

Sina Bianca at katotong Benjie Felipe ang naghahatid ng showbiz news. May countdown si Bianca ng showbiz news. Ka-banter niya si Benjie sa nasabing segment. Isa itong magandang approach sa showbiz news.

Si Cheryl naman ang nagdi-deliver ng news. Maganda ‘yung tema na within the show ay pumapasok si Cheryl to deliver the news. Naging mas light na panoorin ang show.
* * *
Tama ang press release ng ABS-CBN. Very entertaining ang Kampanerang Kuba, ang fantaserye na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Isa ako sa maraming tumutok sa premiere nito noong Lunes. I was told na isama ko sa panonood ang anak at mga pamangkin ko. True enough, maganda ang Kampanerang Kuba. Talagang mai-entertain ka. Tama ang timpla ng drama at comedy.

Gusto ko ang drama part nina Eula Valdes, Jean Garcia at Jomari Yllana. In-establish kung paano nagsimula ang kuwento ni Imang. Very entertaining ang mga madreng sina Eugene Domingo, Malou de Guzman at Meryl Soriano. Gusto ko ang musical numbers nila.

Maganda rin ang special effects ng show. Very light lang. Pero ang dinig ko, mas mahirap gawin ang gano’ng effects.
* * *
Naawa ako kay Jean Garcia sa The Buzz noong Sunday. Hiwalay na pala sila ni Gardo Versoza. Umiyak si Jean sa programa noong Sunday para ibalita na wala na nga sila ni Gardo. Hindi ang personal na feelings nila ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. May outside factors na kailangan nilang i-consider.

Kahit masakit, kailangan nilang tapusin ang kanilang relasyon. Natatandaan ko, last year, ako ang unang nakaalam ng relasyon nila. Isa ako sa unang taong pinagsabihan ni Jean kung gaano niya kamahal si Gardo.

Nakakalungkot talaga ang mga pangyayaring hiwalayan ngayon. Pero siyempre, kailangan nating irespeto ang kanilang desisyon. Si Jean naman, kilala ang taong ‘yan. Mabait. Masarap maging kaibigan at magmahal. Pasasaan ba’t darating din ang tamang lalaking nakalaan para sa kanya. 

Show comments