Idinadaan na lang sa pagsusuot ng puting damit ang naudlot na pangarap na pagdu-doktor
June 7, 2005 | 12:00am
Tiyak na maraming Pinoy ang makaka-relate sa kanta ni Erik Santos na "Abutin Mo Ang Iyong Pangarap". Patungkol sa pakikipagsapalaran ng mga OFWs sa ibang bansa na umaasang sa pag-uwi nila sa sariling bayan ay may magandang buhay na nakalaan para sa kani-kanilang pamilya.
Sa katunayan, damang-dama ni Erik ang bawat lyrics ng kanta habang nire-record daw niya ito.
"Nakaka-inspire yung kanta. Ganitong tema ng mga kanta ang gusto kong iparinig sa mga tao. Yung tipong kahit maraming struggles sa buhay, pero alam mo sa kabila nun ay may pag-asa pa ring naghihintay," sabi ni Erik.
Bukod kasi sa matagumpay na career ni Erik dahil sa Star In A Million, ay isang OFW din ang tatay nito na 22 yrs. nang nagtatrabaho bilang construction engineer sa Saudi kaya siya kinuhang bagong endorser ng BPI.
Hangad kasi ng BPI na maabot ang mga pangangailangan ng ating mga OFWs at maging ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng kanilang mga serbisyo tulad ng Express Remit for Expat Pinoys.
Ang napanalunan palang house and lot ni Erik sa Star In A Million ay sinuwap nito ng condo unit sa Boni Avenue.
At alam nyo ba kung hindi siya pinalad na manalo sa Star In A Million, gusto niyang maging matagumpay na doktor?
Karamihan kasi ng miyembro ng kanilang pamilya ay nasa linya ng panggagamot.
Ang una nga niyang kinuhang kurso noon ay dentistry para madali raw agad siyang maging doktor. After two years ay nag-shift naman siya ng nursing na hindi niya naipagpatuloy dahil sa kanyang matagumpay na singing career ngayon.
Feeling kasi ni Erik, basta nakasuot ka ng puti parang dignified daw ang dating. Kaya kung mapapansin nyo, madalas nakasuot ng puti si Erik. Idinadaan na lang daw niya sa pagsusuot ng kulay puting damit ang kanyang naudlot na pangarap na maging doktor.
Ang "Abutin Mo Ang Iyong Pangarap" ay sinulat ni Ms. Bolet S. Arevalo na inaayos ni Arnold Bueno na composer ng "Forevers Not Enough".
Samantala, magkakaroon ng free concert si Erik sa SM Bacoor sa June 25, 2005.
Kakantahin din ni Erik sa concert ang mga hit songs nitong "I Believe I Can Fly," "This Is The Moment" at ang nilalaman ng kanyang CD Lite album tulad ng "Ill Never Go," theme song ng Stained Glass na release ng Star Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended