^

PSN Showbiz

Desisyon sa kaso ni Michael Jackson, pinagpupustahan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Will it happen in the Philippines? 

Sa India kasi, binawal ng kanilang gobyerno ang pagpapalabas ng mga naninigarilyo or tobacco advertisements sa pelikula at TV programs na karaniwang ini-endorse ng top celebrities sa kanilang bansa.

Ayon sa Indian health minister, "Film actors have a lasting impact on the minds of children and young adults. More and more youngsters and women are taking up tobacco use."

Maraming actor sa India ang endorser ng tobacco products dahil sila ang biggest producer ng pelikula as in mas marami pa silang ginagawang pelikula sa Hollywood.

"The new rules will become effective as law from August. We decided to give them a little time to modify their films and soap operas," ayon sa senior health ministry sa isang interview ng AFP.

Umaabot daw kasi sa 2,200 na Indian ang namamatay araw-araw dahil sa tobacco-related diseases sa more than one billion people.

Ayon pa sa report, malaki ang nagagastos ng gobyerno sa mga nagkakasakit dahil nga sa paggamit ng tobacco products.

Nauna nang ipinagbawal ang direct tobacco advertising at pagi-sponsor sa mga sports events sa India although ina-advertise pa rin ito indirectly ayon pa sa report ng AFP.

Anti-tobacco advocates cheered, but some Indian filmmakers are unhappy, dahil maba-violate daw ng bagong batas ang kanilang artistic freedom.

Ngayon, puwede rin kayang i-implement ang ganitong batas sa mga TV programs and movies sa ating bansa?
* * *
Pinagpupustahan na ngayon sa Internet ang magiging resulta ng child-molestation case ng pop star na si Michael Jackson.

Nasa kamay na kasi ng jury ang kapalaran ni Michael Jackson. Ayon nga sa online report, pinag-aaralan na ng mga jurors ang bigat ng kaso ni Jackson at any moment ay ilalabas na ang verdict matapos makapagbigay ng final statement ang prosecution and defense.

Sa isang website, at least 6,000 people ang pumusta ng tens of thousands of dollars sa magiging verdict. Pero majority ng pumusta ay naniniwalang mapapawalang-sala si Jackson.

Dito kaya sa bansa natin, may nakikipag-pustahan din?

Anyway, sakaling he found guilty, makukulong ng 20 years si Jackson sa 10 charges na isinampa sa kanya ng 13-year old cancer patient na umano’y siniduce niya at plotting to kidnap the boy and his family para patahimikin sa mga accusations.

Umabot sa 130 witnesses ang dininig ng eight women and eight men panel sa loob ng 3 1/2 months. Kabilang sa mga naging witness ang comedian na si Chris Tucker, tv host Jay Leno and Home Alone star Macaulay Culkins.

Nakaabang ang buong mundo sa resulta ng kasong ito ng dating pop superstar.

Last week lang ay nag-reunion ang pamilya Jackson sa courthouse.

Nagsama-sama ang kanyang parents at six siblings. Sa online report, nagsilbing Jackson Five reunion ang nangyari sa korte.

Ito rin umano ang unang pagkakataon na nag-appear sa court si Janet Jackson.

For the meantime, wait na lang muna tayo sa magiging decision ng korte sa kaso ni Jackson na hinihintay ng buong mundo. Guilty or not guilty...
* * *
Nag-react si Nick (Auckland, New Zealand), online reader ng PSN tungkol sa column item about Ms. Gionna Cabrera.

"I was one of the Filipino’s who voted Gionna Cabrera in the Miss Photogenic Awards. Not because I am a Filipino and she can be my bet but let’s face it, all of my Filipino mates here in Auckland, New Zealand had a guess that she will never make it to the Top 15 but she will win the Miss Photogenic Award. The candidates who made it to the Top 15 are truly deserving, beauty and wow, really the judges in the said pageant will impressed a lot. Miss Canada is truly a beauty although looks like Ruffa Gutierrez.

"Now, hindi na dapat nag-emote si Gionna. She’s really a beauty and brain that Philippines can be proud of. Over the number of candidates, she must be happy and satisfied of the award. Miss Universe is getting tougher and stronger this years… Take a look back on Miriam Quiambao, no one expected her to be a first runner-up but she made it cause she impressed the judges….

"Gionna, it’s all about impressions and charm. I didn’t mean that you don’t have charm but hey, your batch is truly tough and competitive. So, just accept and be satisfied of what you got. Better than nothing Gionna… better than nothing.

"That’s all Salve."

AYON

CHRIS TUCKER

GIONNA

GIONNA CABRERA

HOME ALONE

JACKSON

JACKSON FIVE

MICHAEL JACKSON

NEW ZEALAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with