Claudine, hindi komportable sa pagdalaw ni Kristine sa shoot nila!
June 7, 2005 | 12:00am
Inamin ni Claudine Barretto na hindi siya naging komportable sa ginawang pagdalaw ni Kristine Hermosa sa shooting nila ng Nasaan Ka Man, ang pelikula ng Star Cinema na nagtatampok sa kanila nina Jericho Rosales at sa boyfriend ni Kristine na si Diether Ocampo.
Naging isyu kasi na may mga hindi nagustuhang eksena ni Diet si Kristine at tumaas daw hanggang noo ang kilay nito pero, in fairness, sinabi ni Claudine na hindi naman ito nag-cause ng gulo sa kanilang lahat but some sort of an uneasiness dahil "Mabigat ang mga eksena, hindi lamang siya ang maa-out of place kundi pati kaming lahat.
"Naisip ko rin si Echo na baka mailang sa kanya," anang magaling na aktres na umamin na ang Nasaan Ka Man ang pinaka-mahirap na pelikula na nagawa niya.
"Na-depress ako habang ginagawa namin ang pelikula. At kahit nasa set ay nakaramdam ako ng panic. Kapag napapatingin ako kay Diet ay nagkakaron ako ng kakaibang pakiramdam, eh matagal na kaming magkaibigan," dagdag pa ni Claudine.
Samantala, hindi binigyan ni Diet ng justification ang inasal ng kanyang girlfriend. "Di talaga pwedeng di siya maapektuhan. Ganun katitindi ang mga eksena namin."
Ang Nasaan Ka Man ay isang love story for all ages, bata o matanda at para rin dun sa mga mahihilig sa kaunting suspense. Directorial debut ito ni Cholo Laurel, isang magaling na commercial director na sumusubok sa pelikula. Unang nabalita itong, magdidirek sa Viva Films pero nagustuhan agad ng Star Cinema ang ibinigay niyang istorya. "Natutuwa naman ako na sila ang gumawa ng pelikula," anito sa presscon ng kanyang pelikula.
Ang pelikula ay tungkol sa magkapatid na matandang dalaga (Gloria Diaz at Hilda Koronel ). Relihiyosa ang dalawa pero, marunong mag-enjoy sa buhay. Umiinom silat naninigarilyo.
Nagsimula ang gulo nang magka-ibigan ang mga ampon nila. Wala sanang problema dahil hindi naman sila tunay na magkakapatid, pero...
Naiyak naman ako para sa kaibigan kong si Pocholo Mallilin nang sa harap ng napakaraming tao na nag-attend ng kanyang birthday celebration ay sabihan siya ng "I Love U" ng kanyang pinakamamahal. Feeling ko, wala nang mas gagarbo pa sa regalong yun na pilitin man niyang ipaulit sa kanyang ka-partner ay hindi na nito ginawa. Sapat nang sinabi niya ito sa harap ng marami.
Celebrity studded ang birthday ni Pocholo, nakita ko run ang idolo kong si Susan Roces na natutuwa ako na nagsisimula na namang magkaron ng social life matapos mamatayan ng asawa. Kasama niya si Manay Marichu Maceda, ang manager niyang si Dolor Guevarra, Direk Boots Plata at maraming government officials, pati na ang mga execs ng ANC.
Maraming dahilan para mag-rejoice si Pocholo, Most Viewed Website ang Club Mwah! bukod pa sa pararangalan ito sa buwang ito bilang Most Outstanding Theater Bar bukod pa sa dinadayo na ito dahilan sa wholesome entertainment na ibinibigay nito.
Maganda rin itong venue for concerts. Si Kuya Germs, nakakatatlong concert na rito at lahat sell-out. Sa June 30, tampok muli sa kanyang ipo-prodyus na concert sina Pilita Corrales at John Joven.
Paglabas nito ay nakabalik na si Pocholo sa kanyang biyahe na regalo pa rin ng kanyang loved one.
Huling pelikula na ba na gagawin sa LVN ang Wag Dyan, Wag Dyan... May Kiliti Ako Dyan ng Waterplus Productions? Sa kasalukuyan ay ito na lamang ang pino-post production sa makasaysayang studio para sa playdate nitong Hunyo 21, ilang araw bago tuluyang magsara sa Hunyo 30 ang LVN.
Dahil daw sa patuloy na pagbagsak ng movie industry, mahihirapan ang LVN na maka-cope up sa mataas na overhead cost ng studio habang patuloy namang umuunti ang nagpo-prodyus ng pelikula.
Napabalitang may ilang interesado na bilhin ang LVN. Isang board of director na binuo ng LVN ang nagrerebyu sa mga bids. Pagkatapos ng rebyu, padadalhan ng sulat ang mga tao/kumpanya na interesado sa LVN na nagsasaad ng resulta ng bilihan.
Naging isyu kasi na may mga hindi nagustuhang eksena ni Diet si Kristine at tumaas daw hanggang noo ang kilay nito pero, in fairness, sinabi ni Claudine na hindi naman ito nag-cause ng gulo sa kanilang lahat but some sort of an uneasiness dahil "Mabigat ang mga eksena, hindi lamang siya ang maa-out of place kundi pati kaming lahat.
"Naisip ko rin si Echo na baka mailang sa kanya," anang magaling na aktres na umamin na ang Nasaan Ka Man ang pinaka-mahirap na pelikula na nagawa niya.
"Na-depress ako habang ginagawa namin ang pelikula. At kahit nasa set ay nakaramdam ako ng panic. Kapag napapatingin ako kay Diet ay nagkakaron ako ng kakaibang pakiramdam, eh matagal na kaming magkaibigan," dagdag pa ni Claudine.
Samantala, hindi binigyan ni Diet ng justification ang inasal ng kanyang girlfriend. "Di talaga pwedeng di siya maapektuhan. Ganun katitindi ang mga eksena namin."
Ang Nasaan Ka Man ay isang love story for all ages, bata o matanda at para rin dun sa mga mahihilig sa kaunting suspense. Directorial debut ito ni Cholo Laurel, isang magaling na commercial director na sumusubok sa pelikula. Unang nabalita itong, magdidirek sa Viva Films pero nagustuhan agad ng Star Cinema ang ibinigay niyang istorya. "Natutuwa naman ako na sila ang gumawa ng pelikula," anito sa presscon ng kanyang pelikula.
Ang pelikula ay tungkol sa magkapatid na matandang dalaga (Gloria Diaz at Hilda Koronel ). Relihiyosa ang dalawa pero, marunong mag-enjoy sa buhay. Umiinom silat naninigarilyo.
Nagsimula ang gulo nang magka-ibigan ang mga ampon nila. Wala sanang problema dahil hindi naman sila tunay na magkakapatid, pero...
Celebrity studded ang birthday ni Pocholo, nakita ko run ang idolo kong si Susan Roces na natutuwa ako na nagsisimula na namang magkaron ng social life matapos mamatayan ng asawa. Kasama niya si Manay Marichu Maceda, ang manager niyang si Dolor Guevarra, Direk Boots Plata at maraming government officials, pati na ang mga execs ng ANC.
Maraming dahilan para mag-rejoice si Pocholo, Most Viewed Website ang Club Mwah! bukod pa sa pararangalan ito sa buwang ito bilang Most Outstanding Theater Bar bukod pa sa dinadayo na ito dahilan sa wholesome entertainment na ibinibigay nito.
Maganda rin itong venue for concerts. Si Kuya Germs, nakakatatlong concert na rito at lahat sell-out. Sa June 30, tampok muli sa kanyang ipo-prodyus na concert sina Pilita Corrales at John Joven.
Paglabas nito ay nakabalik na si Pocholo sa kanyang biyahe na regalo pa rin ng kanyang loved one.
Dahil daw sa patuloy na pagbagsak ng movie industry, mahihirapan ang LVN na maka-cope up sa mataas na overhead cost ng studio habang patuloy namang umuunti ang nagpo-prodyus ng pelikula.
Napabalitang may ilang interesado na bilhin ang LVN. Isang board of director na binuo ng LVN ang nagrerebyu sa mga bids. Pagkatapos ng rebyu, padadalhan ng sulat ang mga tao/kumpanya na interesado sa LVN na nagsasaad ng resulta ng bilihan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended