Iam glad na kahit papaano ay iniba ng ABS CBN ang kanilang pinaka-latest na fantaserye, binigyan nila ito ng musical flavor. Nagpagawa ito ng mga original songs at pakakantahin ang lahat ng tauhan sa istorya. Magbibigay pa ng bonus sina Jomari Yllana at Eula Valdez dahil magpapakita sila ng kagalingan sa pagsasayaw ng tango, at sa damuhan pa. Mahirap ito, lalot naka-heels si Eula.
May basbas si Pablo Gomez, ang writer ng Kampanerang Kuba, sa malaking pagbabago ng kanyang istorya na unang ginampanan sa pelikula ni Vilma Santos nung dekada 70. Batid niya na makabago na ang panahon at advance na ang teknolohiya, ang mahalaga ay nakita niyang mas gumanda pa ang kanyang istorya. Bukod sa pinuno ito ng malalaking artista (Anne Curtis, Jean Garcia, Eula, Jomari, Yul Servo, Jodi Sta. Maria, Luis Manzano, Christian Bautista, Patrick Garcia, Bobot Mortiz, Cherry Pie Picache, Malou de Guzman, Meryll Soriano, Eugene Domingo at Chokoleit to name a few, nilagyan pa ito ng animation at special effects.
Pero, ang pinaka-matinding elemento ng Kampanerang Kuba ay ang kwento ni Fatima, isang kuba na sa kabila ng kanyang kapansanan ay may malinis na puso at isang mabuting tao. Ang kwento niya ang kagigiliwan ng manonood. Kung magagawang i-sustain ni Anne Curtis ang interes ng manonood ay ang siyang dapat na abangan sa pinaka-bagong fantaserye na ito. And lovable that she is, walang dapat ipag-alala ang mga bosing ng Dos, plus yung magaling na pagdadala sa kanya ng mga direktor na sina Wenn Deramas at Andoy Ranay.
Isa na naman itong kabiguan para kay Alena bukod pa sa sinabi ni Cassiopeia (Cindy Kurleto) na mawawala na sa Encantadia si Danaya (Diana Zubiri) ang kanyang tagapagligtas at kakampi.
Kasama sa koleksyon ang "These Eyes" na binigyan ng permiso ng Daiichi Creation para magamit, "More & More", "(Everybody) Get Down" na dinirek ni Louie Ignacio, "Anak" ni Connie S. Macatuno, "I Will Be Here" at "Lupa" , "(Can We Just) Stop & Talk Awhile" , "Warrior Is A Child" ni Boom Dayupay at "How Did You Know" ni Nuel C. Naval.
Samantala, ang pinaka-bagong CD ni Gary V na nagtatampok ng 14 na inspirational songs ay nagtatampok din ng pinaka-bagong komposisyon ni Gary V, ang "Break Me". Ito ang awitin na ang demo tape ay ipinarinig niya sa kamamatay lamang na pinuno ng Universal Records na si Bella Tan isang araw bago ito namatay.
Ang iba pang laman ng CD ay ang " Sh out For Joy", "I Will Be Here", "Gaya Ng Dati", "Natutulog Ba Ang Diyos", Take Me Out Of The Dark", "Love In Any Language" at marami pang iba.