Mga balita rin ang ibibigay ni Bernadette Sembrano pero, si TJ Manotoc ay lilibot ng bansa para maghanap ng mga kasayahan, sports at adventure. Bibigyan katuparan din ni Bernadette ang mga simpleng kahilingan ng mga masuswerteng letter senders.
Join na rin sina Ryan Agoncillo at Bianca Gonzales, si Ryan ay magbibigay ng update tungkol sa youth at mga breakthrough sa science and technology. Mga lifestyle, fashion, at showbiz news ang nakatoka kay Bianca. Magbibigay din sila ng mga payo sa mga kabataan tungkol sa love and relationships at kakausap ng mga celebrity guests.
Sama rin sa grupo si Cheryl Cosim na magbibigay ng weather report, si Aida Gonzales ng traffic update at si Winnie Cordero ng market watch at consumers guide. May segment din si Lui Villaruz ng do-it-yourself tips, si Tina Juan ng fitness at Ricci Chan ng daily reviews.
Ang maganda sa Magandang Umaga Pilipinas ay ang mga host nito ang magsisilbing mga laman ng balita, lalo na sa entertainment. Tulad ni Ryan na ngayon ay nali-link kay Judy Ann Santos. Hindi niya itinanggi ang balita, bagkus sinabi niyang "Its a constant thing."
Makulay din ang buhay ni Bianca na hindi lamang nali-link kay Rico Blanco ng RiverMaya ("Nagti-text lang siya pero, di nanliligaw") kundi maging sa direktor na si Lino Cayetano ("We hang out a lot pero di pa pormal kung anong relasyon meron kami").
Bagaman at na-link nun si Cheryl sa TV host na naka-demanda ngayon, sinabi nitong nakatagpo na siya ng bagong pag-ibig at maligaya siya.
O, di ba, sa kanila lamang, marami nang istorya?
Ang kumpanyang ito ay itinayo ng higit pa sa magkapatid na sina Cristy Santos at Rosanno de Mesa matapos ang mahigit sa 17 taong pagtatrabaho sa mga travel agencies kaya alam nila ang pasikut-sikot ng negosyong ito tulad ng ticketing passports, visa, assistance at iba pang bagay na may kinalaman sa pagbibiyahe.
Bago pa lamang ang Tripwise pero marami na agad kliyente sina Cristy at Rosanno, mga dati nilang kliyente na agad sumunod sa kanila nang malamang nagsolo na sila dahil talaga namang mura ang mga ito sumingil at maganda ang mga akomodasyon na tinatanggap ng mga kliyente nila. Tawag kayo sa kanila sa 522-1021/22.
Bilang pangulo ng CSFI, abala si Manay Gina sa The Havens For Women and Children. Inaayos din nila ni Ali Sotto ng INA Foundation. Napapakinggan din ito sa DZBB, sa kanyang programang Nagmamahal Manay Gina, 2:30 NH, Lunes-Sabado.
Ang mga female finalists ay sina Ashley Fontanilla, 19 ; Trisha Garcia, 18; Gwea Pangan, 18; Aicka Friginal, 18; Angelie Avelino, 18 at Ainie San Luis, 18.
Ang mga lalaki naman ay sina John dela Çruz, 18; Brian Racho, 20; Gelo Mamaril, 20; Pep Fernandez,21; Jayson Barrientos, 21; Raf Pijuan, 21; Jay-R Ele, 22 at Jonas Gotuato, 22.
Ang mga mananalo ay tatanggap ng cash prizes, gift certificates, scholarship from AMA at mga endorsement projects ng Star Group of Malls.