Hindi siya seryoso sa mga sagot at kadalasan ay nagtatanong ito ng "Nagbabasa ba kayo ng tabloid?" May isang senior writer na nagtanong kung bakit maintriga ang kanyang pamilya. Sukat ba namang tanungin ang kolumnista ng "Bakit mo alam?"
Lilima lang ang nag-iinterbyu sa kanya at gusto nang mag-walk-out ng tatlong writers dahil sa kabastusan nito at walang galang sa mga nag-iinterbyu. Sabi nga nila ay hindi sila magtataka kung bakit hindi ito makagiliwan ng mga press people, dahil "nega" ito. Siguro kailangang may mangaral dito para hindi manamlay ang kanyang career. Sayang dahil sikat siya ngayon.
Sey ni Hero "Mabait siya at masayahing tao. Positive thinker at ito ang klase ng tao na masarap makatrabaho."
Inamin nito na hindi naman niya niligawan si Sandara at hanggang pelikula lang ang kanilang relasyon.
Muling kinuha ang serbisyo ni Alfred bilang kapareha ni Rochelle Pangilinan sa Daisy Siete. Balitang may namumuong relasyon na raw sa kanilang dalawa. Kung totoo man ito ay wala namang problema dahil pareho silang walang sabit. Pero may time pa kaya sila para dito dahil busy ang dalawa sa paglalagare sa mga TV shows at mga out of town shows?
"Siya ang perfect choice ko para bigyan ng buhay sa big screen si Ken Carter," wika ng three-time Emmy-winning director na si Thomas Carter, "Dahil pareho silang may dedikasyon sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan."
Hango sa isang tunay na istorya, ang Coach Carter ay tinatampukan din nina Robert Richard, Rob Brown at ng singing sensation na si Ashanti sa kanyang major motion picture debut. Mula sa Paramount Pictures, ito ay ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.