Sa isang hindi pagkakaunawaan nila ay nagpasya si Jean na wakasan ang kanilang relasyon lalo na nang kampihan ng aktor ang ina nito sa halip na siya.
Nagsimulang mag-artista ang dalawa at nakalabas sa magkalabang network. Nung five years old sila ay napanood sila sa Saan Ka Man Naroroon ni Claudine Barretto na gumanap ng triple role, dalawa sa mga ito ay ginampanan ng kambal. Regular din sila sa GMA7, sa mga programang Super Games at Kuya Germs. Nung nine years old sila, naging mga anak sila nina Boyet de Leon at Zsazsa Padilla sa programang Hiwalay Kung Hiwalay.
Ngayon, sa edad na 15, nakatakda silang ilunsad sa Star Circle.
Kapag nakapasa siya, nakasisiguro na si Roxie ng dalawang Hollywood movies, isang Screen Actors Guild (SAG) license worth $4,000 at isang tsansa na magkaron ng Hollywood career.
The man behind Hollywood Dream ay si Romeo Joven, namumuno ng Next Generation Production na naka-base sa Hollywood.
Si Roxie naman ay isinilang at lumaki sa US at nag-host ng The Kid Club sa ESPN nung 10 taon siya. Wala sa hinagap niya na mapupunta siya ng showbiz at posibleng makatuntong ng Hollywood.
Para sa kanyang audition, pinag-memorize siya ng monologues, pinag-pose sa pictorials, ininterview at binigyan ng make-over. Kahit tini-tensyon, napabilang siya sa 12 contenders.
Pinaka-bata siya sa mga finalists na binubuo nina Raymond Bagatsing, Pinky Amador, Baron Geisler, Rafael Rosell at Juddha Paolo.
Dito sa Maynila ay ini-release na rin ng Universal Records ang kanyang latest single mula sa kanyang self-titled album. Matatandaang ang namayapang head ng UR na si Bella Tan ang nagdala kay Roxie sa UR at pinapirma siya sa kontrata bilang regalo sa kanyang 18th birthday.
Sa concert front, bahagi si Roxie ng national tour ni Gary Valenciano. Big hit siya sa first seven shows of the tour na ginawa sa Batangas, Tacloban, Gen. Santos, Davao, Cagayan de Oro, Cebu at Bacolod.