^

PSN Showbiz

Jean, kinalasan si Gardo!

- Veronica R. Samio -
Kahit siguro hindi gusto ng anak ni Jean Garcia na si Jennica si Gardo Versoza para sa kanyang ina, sure ako hindi naman ito matutuwa na malaman na nakipag-break ang kanyang ina sa aktor matapos ang ilang panahon ng pakikipag-relasyon dito. Wala naman sigurong anak na matutuwa na magiging malungkot at walang pag-ibig ang kanilang ina. Dahil sa kabila ng mga gulo na bumabalot sa relasyon nina Jean at Gardo ay naging masaya naman sila pareho habang may unawaan sila.

Sa isang hindi pagkakaunawaan nila ay nagpasya si Jean na wakasan ang kanilang relasyon lalo na nang kampihan ng aktor ang ina nito sa halip na siya.
* * *
Dalawa sa ilulunsad sa pagiging myembro ng Batch 13 ng Star Circle ng ABS CBN ay ang kambal na sina Katrina at Bianca Aguila, 15 years old at mga dating child stars. Huminto sila para mag-concentrate sa kanilang studies pero, pumayag ang kanilang ina na pabalikin sila sa kanilang pag-aartista basta hindi nila pababayaan ang kanilang pag-aaral (graduating sila sa high school sa Miriam College) at hindi sila magbo-boyfriend habang wala sila sa tamang edad (18 yrs old para sa nanay nila).

Nagsimulang mag-artista ang dalawa at nakalabas sa magkalabang network. Nung five years old sila ay napanood sila sa Saan Ka Man Naroroon ni Claudine Barretto na gumanap ng triple role, dalawa sa mga ito ay ginampanan ng kambal. Regular din sila sa GMA7, sa mga programang Super Games at Kuya Germs. Nung nine years old sila, naging mga anak sila nina Boyet de Leon at Zsazsa Padilla sa programang Hiwalay Kung Hiwalay.

Ngayon, sa edad na 15, nakatakda silang ilunsad sa Star Circle.
* * *
Baka lamang magkaro’n si Roxie Barcelo ng career sa Hollywood nang mapabilang siya sa final 15 ng Hollywood Dream, isang American Idol-type na talent search na magsisimulang mapanood sa ABC 5 sa buwan na ito.

Kapag nakapasa siya, nakasisiguro na si Roxie ng dalawang Hollywood movies, isang Screen Actors’ Guild (SAG) license worth $4,000 at isang tsansa na magkaro’n ng Hollywood career.

The man behind Hollywood Dream ay si Romeo Joven, namumuno ng Next Generation Production na naka-base sa Hollywood.

Si Roxie naman ay isinilang at lumaki sa US at nag-host ng The Kid Club sa ESPN nung 10 taon siya. Wala sa hinagap niya na mapupunta siya ng showbiz at posibleng makatuntong ng Hollywood.

Para sa kanyang audition, pinag-memorize siya ng monologues, pinag-pose sa pictorials, ininterview at binigyan ng make-over. Kahit tini-tensyon, napabilang siya sa 12 contenders.

Pinaka-bata siya sa mga finalists na binubuo nina Raymond Bagatsing, Pinky Amador, Baron Geisler, Rafael Rosell at Juddha Paolo.

Dito sa Maynila ay ini-release na rin ng Universal Records ang kanyang latest single mula sa kanyang self-titled album. Matatandaang ang namayapang head ng UR na si Bella Tan ang nagdala kay Roxie sa UR at pinapirma siya sa kontrata bilang regalo sa kanyang 18th birthday.

Sa concert front, bahagi si Roxie ng national tour ni Gary Valenciano. Big hit siya sa first seven shows of the tour na ginawa sa Batangas, Tacloban, Gen. Santos, Davao, Cagayan de Oro, Cebu at Bacolod.

AMERICAN IDOL

BARON GEISLER

BELLA TAN

BIANCA AGUILA

CLAUDINE BARRETTO

ROXIE

SILA

SIYA

STAR CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with