Miss Photogenic si Miss Philippines
June 1, 2005 | 12:00am
Isang malaking tagumpay ang Star Magic at 13, ang anniversary special ng Star Magic sa ASAP 05. Pinagsama-sama sa isang oras na show ang halos lahat ng mga artista ng Star Magic. Halatang pinaghandaan ang mga production numbers.
"Kung tutuusin, ilang days of preparation lang yon," says Star Magic PR head Rikka Dylim. "But it turned out really good. Were just so proud of our artists."
Malaking tulong din ang naiambag ng Fashion Designers Association of The Philippines headed by Edgar San Diego sa nasabing event. Ang mga members ng FDAP ang nagdamit sa mga artista ng Star Magic.
"They were a great help. We are overwhelmed by their support," sabi pa ni Rikka.
Sa nasabing TV special, nakita ko kung gaano na kalaki ang Star Magic o mas kilala dati bilang ABS-CBN Talent Center. Naroroon pa rin ang mga datihan at ang mga baguhan. Walang duda na ang Star Magic na nga ang pinakamalaking talent development center ngayon.
Patuloy ang Star Magic sa pagtuklas ng mga bagong talino at mukha. Sa katunayan, all set na sila to launch Star Circle Batch 13 na kinabibilangan ng mga anak at kapatid ng mga kilalang celebrities.
Gusto kong batiin ang mga tao sa likod ng Star Magic sa kanilang patuloy na pananagumpay. Nariyan siyempre si Johnny Manahan, Mariole Alberto, Lulu Romero, Monch Novales, Tammy Reinoso, Beverly Vergel, Rikka Dylim, Love Capulong, Cris Navarro at ang grupo ng Promotions & Publicity Unit (Thess Gubi, Patty Ramirez) sa isang matagumpay na 13th anniversary celebration.
Tatlong kaibigan ko ang nanonood ng Miss Universe Pageant sa Bangkok, Thailand para suportahan ang ating bet na si Gionna Cabrera. Ginanap ito sa Impact Arena. As early at 9 am, updated ako sa nangyayari.
"Nasa harap na harap kami," sabi ng kaibigan ko. "Nasa likod namin si Mrs. Stella Araneta. Ang ganda ng Impact Arena."
Habang ako naman ay nanonood sa coverage ng RPN 9. Parade of Nations pa lang, alam ko nang hindi nakapasok ang ating representative sa Top 15. Tanging si Miss Indonesia lang ang Asian na nakapasok sa Top 15.
Syempre, nawalan na akong ng gana. Halos masira na ang araw ko. Paano ba naman, ang ingay-ingay na malakas na candidate si Gionna. Prior to the pageant, she was even given a special award.
Iba talaga ang impact sa ating mga Pinoy kapag ganyan na ang bet natin ay hindi man lang nakakapasok as finalists. Buti na lang, nabigyan siya ng Miss Photogenic award. Ka-text ko pa naman ang kaibigang Dondon Sermino few hours bago mag-telecast ang Miss Universe pageant. Im sure, tulad ko, nalungkot din si Dondon.
Isang taon na ang Star Circle Quest, ang pinakamalaking star search na sinimulan ng ABS-CBN. Nangangahulugan ito na anniversary na rin nina Hero Angeles, Sandara Park, Joross Gamboa, Roxanne Guinoo, Melissa Rick at ng mga child stars na sina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Mikaila Ramirez at Aaron Junatas.
At bilang selebrasyon sa isang matagumpay na taon, naghanda ang ABS-CBN ng ibat ibang activities ngayong Sunday, June 5. Isang malaking anniversary celebration ang magaganap sa ASAP Fanatic. Susundan ito ng SCQ Reload: Kilig Ako. Live din na mapapanood sa The Buzz ang Heros Day ni Hero Angeles sa SM North EDSA.
Ang mga kid questors ay magsi-celebrate naman sa Goin Bulilit ngayong Sunday din. At kinagabihan, magaganap na ang pinag-uusapang TV Special ni Sandara Park, ang Sandara: Ang Pambansang Krung Krung Ng Pilipinas.
Malayo na talaga ang narating ng mga SCQ teens at kids. Matagumpay na sila sa telebisyon at pelikula. Pati sa mga endorsements ay in-demand sila. Hindi rin nahuhuli sa intriga ang mga SCQ stars. Laman sila ngayon ng mga balita. But the fact remains na sikat na talaga sila kaya sila pinag-uusapan.
Masaya ako sa narating mga mga artistang ito.
"Kung tutuusin, ilang days of preparation lang yon," says Star Magic PR head Rikka Dylim. "But it turned out really good. Were just so proud of our artists."
Malaking tulong din ang naiambag ng Fashion Designers Association of The Philippines headed by Edgar San Diego sa nasabing event. Ang mga members ng FDAP ang nagdamit sa mga artista ng Star Magic.
"They were a great help. We are overwhelmed by their support," sabi pa ni Rikka.
Sa nasabing TV special, nakita ko kung gaano na kalaki ang Star Magic o mas kilala dati bilang ABS-CBN Talent Center. Naroroon pa rin ang mga datihan at ang mga baguhan. Walang duda na ang Star Magic na nga ang pinakamalaking talent development center ngayon.
Patuloy ang Star Magic sa pagtuklas ng mga bagong talino at mukha. Sa katunayan, all set na sila to launch Star Circle Batch 13 na kinabibilangan ng mga anak at kapatid ng mga kilalang celebrities.
Gusto kong batiin ang mga tao sa likod ng Star Magic sa kanilang patuloy na pananagumpay. Nariyan siyempre si Johnny Manahan, Mariole Alberto, Lulu Romero, Monch Novales, Tammy Reinoso, Beverly Vergel, Rikka Dylim, Love Capulong, Cris Navarro at ang grupo ng Promotions & Publicity Unit (Thess Gubi, Patty Ramirez) sa isang matagumpay na 13th anniversary celebration.
"Nasa harap na harap kami," sabi ng kaibigan ko. "Nasa likod namin si Mrs. Stella Araneta. Ang ganda ng Impact Arena."
Habang ako naman ay nanonood sa coverage ng RPN 9. Parade of Nations pa lang, alam ko nang hindi nakapasok ang ating representative sa Top 15. Tanging si Miss Indonesia lang ang Asian na nakapasok sa Top 15.
Syempre, nawalan na akong ng gana. Halos masira na ang araw ko. Paano ba naman, ang ingay-ingay na malakas na candidate si Gionna. Prior to the pageant, she was even given a special award.
Iba talaga ang impact sa ating mga Pinoy kapag ganyan na ang bet natin ay hindi man lang nakakapasok as finalists. Buti na lang, nabigyan siya ng Miss Photogenic award. Ka-text ko pa naman ang kaibigang Dondon Sermino few hours bago mag-telecast ang Miss Universe pageant. Im sure, tulad ko, nalungkot din si Dondon.
At bilang selebrasyon sa isang matagumpay na taon, naghanda ang ABS-CBN ng ibat ibang activities ngayong Sunday, June 5. Isang malaking anniversary celebration ang magaganap sa ASAP Fanatic. Susundan ito ng SCQ Reload: Kilig Ako. Live din na mapapanood sa The Buzz ang Heros Day ni Hero Angeles sa SM North EDSA.
Ang mga kid questors ay magsi-celebrate naman sa Goin Bulilit ngayong Sunday din. At kinagabihan, magaganap na ang pinag-uusapang TV Special ni Sandara Park, ang Sandara: Ang Pambansang Krung Krung Ng Pilipinas.
Malayo na talaga ang narating ng mga SCQ teens at kids. Matagumpay na sila sa telebisyon at pelikula. Pati sa mga endorsements ay in-demand sila. Hindi rin nahuhuli sa intriga ang mga SCQ stars. Laman sila ngayon ng mga balita. But the fact remains na sikat na talaga sila kaya sila pinag-uusapan.
Masaya ako sa narating mga mga artistang ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended