Nagtapos muna ng kolehiyo bago nag-banda
May 31, 2005 | 12:00am
Di ba ang sarap kumain ng orange at lemons lalo na pag ma-juicy? Alam nyo ba na ganito rin ang feeling kapag napakinggan nyo yung music ng bandang Orange & Lemons? Tunog foreign ang music nila pero, pusong Pinoy ang nilalaman ng mga kanta.
Bakit hindi magiging tunog foreign ang music nila eh number one avid fans sila ng Beatles? Pero infairness, mai-enjoy mo ang music nila.
Katulad ng prutas na orange and lemon, habang tumatagal lalong masarap namnamin ang katas nito. Ganito rin ang effect ng music ng grupo na habang tumatagal ay nagugustuhan mo ang kanilang kanta na kahit paulit-ulit mo pang pakinggan. At kahit may pagka-rock ang ibang kanta ay hindi masakit sa tenga at may maganda ring mensahe na gustong iparating.
Akala ko nga nung una ay magiging boring ang kanilang show dahil sa may conservative ang get-up nila pero, maling-mali ako. Sa katunayan, buhay na buhay ang crowd dahil sa mahusay nilang performance.
Ang pangalang Orange and Lemons ay binubuo ng mga talented na musicians na sina Clem Castro (electric guitar/vocals), Mcoy Fundales (acoustic guitars/vocals), JM Del Mundo (bass) at Ace Del Mundo (drums).
Ang title ng kanilang album, "Strike Whilst The Iron Is Hot" ay batay na rin sa tagumpay na tinatamasa ng grupo. Gusto nilang samantalahin ang lahat ng pagkakataon ngayong kinikilala na ang kanilang musika.
Ang apat na myembro ay mga tubong Bulacan na galing sa ibat ibang banda, bago nabuo ang kanilang grupo. Pare-pareho rin muna nilang sinubukan na magkaroon ng corporate job, pero talagang music ang calling nila.
Bukod sa maganda nilang music, ipinagmamalaki rin ng apat na nakatapos sila ng pag-aaral, bago tuluyan silang maging full time musicians.
Si Clem ang songwriter ng grupo. Nagtapos siya ng HRM sa Philippine Womens. Si Mcoy nagsusulat din ng kanta na graduate naman ng Tourism sa UP. Si Ace naman ay tapos ng Industrial Technology sa Bulacan State University at si JM ay galing ng AMA College sa kursong Computer Technology.
Ang Orange & Lemons: "Strike Whilst The Iron Is Hot" ay release ng Universal Records.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
36 minutes ago
By Salve V. Asis | 36 minutes ago
36 minutes ago
By Boy Abunda | 36 minutes ago
Recommended