Si Melanie Marquez ay isa sa mga makabagong babae ngayon na nangangarap na ma-preserve ang kanyang beauty, lalo na ngayong naglalakihan na ang kanyang mga anak, at hindi na maitatago ang pagdaragdag ng edad. Hindi naman siya napaka-vain para magpanggap pang kabataan dahil alam naman ng lahat na bukod sa isang artista ay may isang panahon pa rin na naging winner siya ng Miss International Beauty Pageant. "I can not pretend to be in my early 30s, nasa liyebo kwatro na ako, nagsisimula na akong mag-alaga ng aking katawan, di dahil sa anupamang kadahilanan kundi bilang isang public figure, I owe it to the public na maging maganda at presentable at all times," anang former Miss International na ngayon ay celebrity endorser na ng Renew Placenta, na di lamang ang nagpapakinis at nagpapaganda sa kanya kundi nagpapanatili pa ng kanyang kabataan dahilan sa mga sangkap na taglay nito tulad ng imported fruits and flower extracts na nagpapabata at nagpapaputi ng balat.
"Bagay sa akin ang Renew Placenta kaya happy ako na i-endorse ito. May promise din sa akin ang may-ari ng produkto na igagawa ako ng mga malalaking billboard at ilalagay sa mga main thoroughfares ng Maynila, o di ba, sosyal ako?" dagdag pa ni Melanie na sa kabila ng pagiging isang modernang babae ay walang balak na sumailalim sa surgery para mapanatiling maganda at bata ang kanyang pangangatawan. "Gusto kong ma-preserve ang beauty ko ng walang surgery," sabi ng maganda pa ring co-host ng Showbiz Stripped na umaming nagpapaalaga sa isang kilalang dermatologist para sa pagpapakinis lamang ng kanyang balat at mukha.
Compared last year na maraming magagandang contestant, iilan lamang at mapipili sa daliri ang mga sumaling magaganda this year. Im sure na di gaanong nahirapan ang board of judges na nagtampok sa ilang showbiz personalities tulad nina Troy Montero, Cristina Gonzales Romualdez, Roy Alvarez at naging chairman of the board of judges ang sinasabing girlfriend ni Jomari Yllana na si Miss Earth-Denmark.
Hindi masyadong magaling magsalita ng Ingles ang mga contestants. May magagalit kaya kung nag-Tagalog na lamang sila to be able to express themselves more o baka bawal? Pero, kung sakali man, bakit? Yung mga kapwa nating Asyano na sumasali sa mga international beauty pageants at maski na yung mga Latin Americans ay nagsasalita in their native languages, bakit hindi naman tayo?