^

PSN Showbiz

Gustong ma-preserve ang beauty ng walang surgery

- Veronica R. Samio -
Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya, ordinaryo na lamang ang mga babaeng pinagaganda ng siyensya. At kung hindi ka maganda sa panahon ngayon, either wala kang pera, o wala kang paki.

Si Melanie Marquez ay isa sa mga makabagong babae ngayon na nangangarap na ma-preserve ang kanyang beauty, lalo na ngayong naglalakihan na ang kanyang mga anak, at hindi na maitatago ang pagdaragdag ng edad. Hindi naman siya napaka-vain para magpanggap pang kabataan dahil alam naman ng lahat na bukod sa isang artista ay may isang panahon pa rin na naging winner siya ng Miss International Beauty Pageant. "I can not pretend to be in my early 30s, nasa liyebo kwatro na ako, nagsisimula na akong mag-alaga ng aking katawan, di dahil sa anupamang kadahilanan kundi bilang isang public figure, I owe it to the public na maging maganda at presentable at all times," anang former Miss International na ngayon ay celebrity endorser na ng Renew Placenta, na di lamang ang nagpapakinis at nagpapaganda sa kanya kundi nagpapanatili pa ng kanyang kabataan dahilan sa mga sangkap na taglay nito tulad ng imported fruits and flower extracts na nagpapabata at nagpapaputi ng balat.

"Bagay sa akin ang Renew Placenta kaya happy ako na i-endorse ito. May promise din sa akin ang may-ari ng produkto na igagawa ako ng mga malalaking billboard at ilalagay sa mga main thoroughfares ng Maynila, o di ba, sosyal ako?" dagdag pa ni Melanie na sa kabila ng pagiging isang modernang babae ay walang balak na sumailalim sa surgery para mapanatiling maganda at bata ang kanyang pangangatawan. "Gusto kong ma-preserve ang beauty ko ng walang surgery," sabi ng maganda pa ring co-host ng Showbiz Stripped na umaming nagpapaalaga sa isang kilalang dermatologist para sa pagpapakinis lamang ng kanyang balat at mukha.
* * *
Isa pang beauty contest na nagbigay ng oportunity sa mga manonood na pumili ng winner sa pamamagitan ng text votes ay ang katatapos na Miss Philippines- Earth na kung saan ay nagwagi si Geenbelle Raagas. Ang coverage ay ginawa ng ABS CBN at naging hosts sina Mark Nelson at Vanessa del Bianco.

Compared last year na maraming magagandang contestant, iilan lamang at mapipili sa daliri ang mga sumaling magaganda this year. I’m sure na di gaanong nahirapan ang board of judges na nagtampok sa ilang showbiz personalities tulad nina Troy Montero, Cristina Gonzales Romualdez, Roy Alvarez at naging chairman of the board of judges ang sinasabing girlfriend ni Jomari Yllana na si Miss Earth-Denmark.

Hindi masyadong magaling magsalita ng Ingles ang mga contestants. May magagalit kaya kung nag-Tagalog na lamang sila to be able to express themselves more o baka bawal? Pero, kung sakali man, bakit? Yung mga kapwa nating Asyano na sumasali sa mga international beauty pageants at maski na yung mga Latin Americans ay nagsasalita in their native languages, bakit hindi naman tayo?

CRISTINA GONZALES ROMUALDEZ

GEENBELLE RAAGAS

JOMARI YLLANA

LATIN AMERICANS

MARK NELSON

MELANIE MARQUEZ

MISS EARTH-DENMARK

RENEW PLACENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with