Hanni Miller nawala ang name sa list ng Best Actress nomination!
May 29, 2005 | 12:00am
Maaaring di pa pamilyar ang pangalan at mukha ni Hanni Miller sa mga tagasubaybay ng local showbiz. Ito ay sa dahilang isa lamang siyang baguhan. Mas marami siyang offer na kumanta kesa gumawa ng pelikula. Pero sa kakaunting pelikula na ginawa niya, proud siya sa pelikula niyang Puri, lalo na nang isang haligi ng Famas, si Tita Swarding, ang nagsabi sa kanya na nominated siya sa Best Actress sa naturang award giving body for her role in the said movie. Ito ay ipinaabot ng sikat na radio announcer sa manager ni Hanni na si Richard Hinola.
Masaya na ang kampo ni Hanni simula pa nung buwan ng Pebrero sa tinanggap nilang balita. Laking gulat nila nang hindi nila nakita ang pangalan nito sa listahan ng mga nominado for Best Actress. Pero may dalawang nominasyon para sa Puri, ito ay para sa Best Sound at Best Theme Song ("Limot" ni Amari). Nagtataka ngayon si Hanni kung ginud time ba lamang sila at kung bakit.
Marami nang isyu na lumalabas tungkol sa baguhang artista na hindi pa nabibigyan-linaw, tulad ng pagkakaron niya ng sakit na kanser. Lahat nito ay bibigyan linaw niya sa pagpapalabas ng kanyang istorya sa Magpakailanman, very soon.
Ang bait talaga ni Kris Aquino, lalo na sa isang naging kasama sa trabaho. Pumayag itong mag-host ng The Making of Kampanerang Kuba ngayong gabi sa ABS CBN, ka-back-to-back ng Sandara Park Special.
Ito ay dahilan sa naging friendship nila ni Anne Curtis sa programang Hiram na siyang ilulunsad sa naturang fantaserye.
Mapapanood ang one hour TV special na magtatampok ng ilang piling eksena, malalaking preparasyon, music videos at mga exclusive footages ng fantaserye. Mapapanood din ang exclusive footage ni Anne when she auditioned for the role.
Samantala, umiyak naman si Sandara Park nang mag-guest sa kanyang TV special na apat na araw lamang binuo ang bigating artista ng kanilang kalabang istasyon na si Regine Velasquez. Mapapanood sa special kung paano bumigay ang Koreanang artista na isang self-confessed Regine fan.
Pitong kwelang komedyante naman ang tampok sa GMA 7 All Star K! na mapapanood ngayong gabi Aldafer, Mel Martinez, Gary Lim, Gene Padilla, Marissa Sanchez, Jaja Bolivar at Giselle Sanchez.
Sino sa kanila ang mag-uuwi ng P1M jackpot prize? Sino sa kanila ang tunay na may K sa pagkanta?
Kwelang host ng All Star K! sina Jaya at Allan K.
Ang mga talino ng grand champion ng Search For The Star In A Million na si Jerome Sala, kasama ang mga co-finalists niya na bumuo ng Champions League of 12 (Mabel Bacusmo "Healing", Jorell Canuel "Goodbye", Dianafe Castillo "Couldve Been", Ryan Racal "I Will Be Here For You", Jerome Sala "One In A Million", Nikki Bacolod "Too Many Walls", Hans Lee "I"ve Been Waiting For You", Myke Caluma "Fallen", Billy Joel Bartolome "Everytime I See You", Veejay Aragon "Be Alone No More", Christine Fernandez "It Must Have Been Love" at Jona Lumbera "Dont Speak") ay muling mapapakinggan sa isang album na inilabas ng Star Records at tinawag nilang "Search For The Star In A Million".
Kasama rin sa album ang mga hit songs ng apat na host ng programa, "Say That You Love Me" ni Christian Bautista, "To Love You More ni Sarah Geronimo, "Ngayon at Kailanmanh" ni Mark Bautista at "Pagbigyang Muli" ni Erik Santos. Kinanta rin ng apat sa album ang theme song ng "Search For The Star In A Million".
Panoorin nyo ang Full House at sure ako, kikiligin kayo sa kanilang love/hate relationship.
Marami ang nagtataka kung bakit may mga nagri-react kapag naririnig ang kantang "Si Papa Bear ay malakas...Si Mama Bear ay maganda...,Si Baby Bear ay napakaliksi...ito ay dahilan sa kinanta ito ni Jessie sa bahay ng mga biyenan niya, ang magulang ni Justin.
Napanood ko ang serye, pero, pinanonood kong muli. Gabi-gabi bago mag- 24 Oras. Siguro dahil hopeless romantic ako.
Masaya na ang kampo ni Hanni simula pa nung buwan ng Pebrero sa tinanggap nilang balita. Laking gulat nila nang hindi nila nakita ang pangalan nito sa listahan ng mga nominado for Best Actress. Pero may dalawang nominasyon para sa Puri, ito ay para sa Best Sound at Best Theme Song ("Limot" ni Amari). Nagtataka ngayon si Hanni kung ginud time ba lamang sila at kung bakit.
Marami nang isyu na lumalabas tungkol sa baguhang artista na hindi pa nabibigyan-linaw, tulad ng pagkakaron niya ng sakit na kanser. Lahat nito ay bibigyan linaw niya sa pagpapalabas ng kanyang istorya sa Magpakailanman, very soon.
Ito ay dahilan sa naging friendship nila ni Anne Curtis sa programang Hiram na siyang ilulunsad sa naturang fantaserye.
Mapapanood ang one hour TV special na magtatampok ng ilang piling eksena, malalaking preparasyon, music videos at mga exclusive footages ng fantaserye. Mapapanood din ang exclusive footage ni Anne when she auditioned for the role.
Samantala, umiyak naman si Sandara Park nang mag-guest sa kanyang TV special na apat na araw lamang binuo ang bigating artista ng kanilang kalabang istasyon na si Regine Velasquez. Mapapanood sa special kung paano bumigay ang Koreanang artista na isang self-confessed Regine fan.
Sino sa kanila ang mag-uuwi ng P1M jackpot prize? Sino sa kanila ang tunay na may K sa pagkanta?
Kwelang host ng All Star K! sina Jaya at Allan K.
Kasama rin sa album ang mga hit songs ng apat na host ng programa, "Say That You Love Me" ni Christian Bautista, "To Love You More ni Sarah Geronimo, "Ngayon at Kailanmanh" ni Mark Bautista at "Pagbigyang Muli" ni Erik Santos. Kinanta rin ng apat sa album ang theme song ng "Search For The Star In A Million".
Marami ang nagtataka kung bakit may mga nagri-react kapag naririnig ang kantang "Si Papa Bear ay malakas...Si Mama Bear ay maganda...,Si Baby Bear ay napakaliksi...ito ay dahilan sa kinanta ito ni Jessie sa bahay ng mga biyenan niya, ang magulang ni Justin.
Napanood ko ang serye, pero, pinanonood kong muli. Gabi-gabi bago mag- 24 Oras. Siguro dahil hopeless romantic ako.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended