^

PSN Showbiz

Maraming pangako sa pamilya na napako

-
Inamin ni Ethel Booba ang balitang nakita siyang pumasok sa klinika ni Dra. Vicki Belo ng dalawang beses. Ang una ay nung nag-shoot sila ng isang episode para sa Extra Challenge na featured ang nasabing beauty expert. Ang ikalawa ay para isauli ang regalong sapatos at bag ni Dra. Belo.

Ayon sa malapit sa komedyana ay sinadya nitong hindi tanggapin ang mga regalo dahil ayaw nitong magkaroon ng utang na loob kanino man. Dala na siya sa mga panunumbat ng marami. "Pero, gusto kong linawin na wala akong balak na lumipat ng ibang doktor, kontento ako sa pangangalaga sa akin nina Drs. Manny Calayan at Pie Calayan," pahayag nito.

Pero, hindi ito sumipot sa kaarawan ng nagpapaganda sa kanya na si Dra. Pie Calayan. Kaya muling nabuhay ang isyu sa kanila ni Dra. Belo.

Ayon sa aking source ay talagang sinubukan ng komedyana na sumipot sa kaarawan ng nagpapaganda sa kanya kaya lang di kaya ng sked niya. Nasa labas siya ng Metro Manila ng mga oras na ‘yon.

Dagdag pa rin ng aming source na walang katotohanan na umiiwas siya sa kanyang nakakabatang kapatid na si Bobita na isa ring Calayan beauty dahil malaki ang pagkukulang ni Ethel sa kanyang pamilya. Lubos nitong naintindihan ang sintimyento ng kanyang kapatid na nagpatutsada sa kanya sa programa nito dahil may mga pangako siya rito na napako. (Ulat ni Alex Datu)

ALEX DATU

AYON

BELO

DRA

ETHEL BOOBA

EXTRA CHALLENGE

MANNY CALAYAN

METRO MANILA

PERO

PIE CALAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with