Walang problema sa BIR si Erik!
May 27, 2005 | 12:00am
Ayaw sabihin ni Erik Santos ang halaga ng kinita niya sa mahigit sa isang buwang pagkakaron niya ng mga palabas sa US. Hindi naman daw solong palabas niya ang ginawa niya, kundi nag-guest siya sa concert ni Vina Morales at naging bisita rin siya nina Pops Fernandez at Regine Velasquez sa kanilang Queens On Fire tour.
"Kaya hindi naman ganun kalaki ang kinita ko, dahil guest lang nila ako," paliwanag ng aktor na nagsabing wala siyang problema sa BIR dahil ang Backroom ang nag-aasikaso sa career niya at siya ring nag-aasikaso ng taunang pagpa-file ng kanyang income tax.
Pero, kahit hindi naman kalakihan ang kinita niya, nang isama niya ito sa kanyang matagal nang iniipon ay malaki na rin ang naging tulong nito para mapatapos niya ang kanyang ipinagagawang bahay sa Novaliches. "Isa itong five bedroom house para sa amin ng pamilya ko," ani Erik .
Pagdating na pagdating niya ay agad naman siyang kinuha ng Bank of the Philippine Islands (BPI) para mag-endorso ng Express Remit for Expat Pinoys sa pamamagitan ng pag-awit ng theme song nitong "Abutin Mo Ang Iyong Pangarap", isang komposisyon ni Ms. Bolet S. Arevalo, lead marketing officer ng BPI at ginawan ng musika ni Arnold Bueno, kompositor ng "Forevers Not Enough" na pinasikat ni Sarah Geronimo.
Si Erik ang kinuha ng BPI dahil anak ito ng isang Expat Pinoy, ang ama nito na si Engr. Renato Santos ay 22 taon nang naglilingkod sa Saudi Arabia. Makakasama ang "Abutin Mo Ang Iyong Pangarap" sa CD Lite ni Erik na pinamagatang "Ill Never Go" sa ilalim ng Star Records.
Magkakaron din si Erik ng isang libreng concert bilang re-launch ng BPIs Express Remit at para maipakilala siya bilang celebrity endorser ng BPI, sa Hunyo 25, 3:00 NH sa SM Bacoor, Lower Ground Activity Center. Makakasama niya si Kim Flores, isa ring talent ng Backroom.
Matindi talaga ang pangangailangan ng Mowelfund kung kaya pati golf ay pinasok nito. At dahil maganda ang kanilang layunin kung kaya kinasihan ito ng Maykapal at naging isang malaking tagumpay.
Ang fundraising golf games na tinawag na Swing For A Cause ng Mowelfund ay ginanap nung Mayo 12 sa Capitol Hills Golf Course sa pakikipagtulungan ng Talkabout Marketing.
Sina Senador Bong Revilla at Tito Sotto ang nagsagawa ng ceremonial tee off sa tulong nina Noel Trinidad, Gary Lising, ang mga broadcasters na sina Rey Langit, Jay Sonza, Manny Luzon at Ricky Alegre, Bulletins news editor Diego Cagahastian at ang four time world junior champion 11yr. old Dottie Ardina, mga pangunahing pangalan sa civic at business world at mga kilalang artista at celebrity.
Nag-participate din ang Exec Dir. ng Mowelfund na si Boots Anson Roa, Welfare Dir. Chit Sambile at ang staff niya, Finance Dir. Julius Topacio at Director Nick Deocampo.
Nanalo sina Class A Champ, Hector Calilung, 1st runner-up Sen. Tito Sotto at 2nd runner-up Patricio Roman; Class B Champ Romeo Liumzon, 1st runner-up Ricky Alegre, 2nd runner-up Jimmy Zenarosa; Class C Champ Gary Lising, 1st runner-up Diego Cagahastian at 2nd runner-up, Julius Topacio. Ang negosyanteng si Nini Eustaquio ay binigyan ng special award sa womens division.
Nagpapasalamat ang Mowelfund sa mga sponsors nila: PLDT, Ferrari Passion, Aigner Parfums, Coppertone Sport, Dickies at Ford Libis. Ang minor sponsors: Urban SPA at Shangrila Plaza Mall, Discovery Suites, C-Lium Fibre, K-A Plus, Rhino Herbal Tea, PAGCOR, OFF!, Aqua Spritz, Fury Active Eyewear, Hardknocks Media Solution. Salamat din kina Rudy Project, South Forbes Golof City, San Miguel, City Bank at Nestle. Gayundin kina May Geronimo, Sheila Lim at Evelyn Ong ng Talkabout Marketing.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am