Mag-nobyo na!
May 26, 2005 | 12:00am
Isang grupo ng manunulat ang nagtanong kay LJ Reyes ng real score tungkol sa kanilang dalawa ni Mike Tan. "Hindi naman po kami talagang mag-nobyo," pagdidiin nito.
Nasa kabilang mesa naman at iniinterbyu si Mike Tan tungkol din sa relasyon nila ni LJ. Umamin ang aktor at sinabing magnobyo nga sila.
Medyo nainis ang isang writer at sinabihan si LJ na sanay mag-usap silang dalawa ni Mike kung ano ang isasagot sakaling itanong ang kanilang relasyon. Hindi sila nagtutugma kaya lumalabas tuloy na sinungaling si LJ.
Di kalaunan ay umamin na rin ito tungkol sa real score nila ni Mike pero bilang mag-MU daw! "Ganun na rin yun, mag-nobyo kayo," anang writer.
Ngumiti lang si LJ at sinabing maganda ang takbo ng kanilang relasyon dahil hindi siya selosa at di rin seloso si Mike dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho.
Ang pinanalunan niyang pera sa StarStruck 2 ay nakatago pa rin sa bangko, gayundin ang kanyang kinikita sa mga shows na kinabibilangan ng Now and Forever, Love to Love Season 7, Sugo at SOP Gigsters.
May gagawin din itong pelikula under GMA Films titled Lovestruck kung saan makakasama niya ang mga nanalo sa StarStruck 1 and 2.
Tatlong beses sa taong ito ay kung anu-ano ang ginawa ni Paolo Contis sa kanyang buhok. Una, nagpahaba siya ng buhok; ikalawa, pinaputulan ito ng konti at ngayon ay nagpakalbo na siya!
Mas gusto niya ang kalbo dahil kulut-kulot ang kanyang buhok. Isa pang dahilan kung bakit kailangan niyang magpakalbo ay dahil kailangang ganito ang kanyang itsura para sa soap opera na Sugo na tatampukan ni Richard Gutierrez.
"Bad boy kasi ako ni Richard at mas effective kung kalbo ako. Mas okey pa ito dahil sa init ng panahon ngayon," aniya.
May investment na rin si Paolo nakabili na ito ng lote na pagtatayuan niya ng bahay somewhere in Quezon City kung hindi this year ay baka sa isang taon.
Sa sobrang hilig nitong tumambay sa mga coffee shops ay gusto niyang magtayo rin ng coffee shop. Malamang na mga kaibigan din ang maging kasosyo niya!
Totoo nga ang sinasabi ni Kuya Germs Moreno na showbiz is an ungrateful business kahit magulo at masaya ang mundong ito. Kailangan ka lang o ng iyong serbisyo kapag may pakinabang sa iyo ang taong nakakataas ang katungkulan sa iyo.
Ito ang nangyari sa isang PRO ng isang sikat na aktor. Magaling siya talaga at mahusay makisama kaya naging madali para sa aktor ang mapalapit sa media.
Pero, dumating sa puntong namahinga sa showbiz ang PRO. Naospital ito dahil na-stroke noon pero, gumaling din. Nang makita ng aktor na paika-ika na ito sa paglakad ay tinabangan dahil feeling nito, wala na itong matutulong sa kanya. Kaya hindi na niya kinuha ang serbisyo nito.
Nasa kabilang mesa naman at iniinterbyu si Mike Tan tungkol din sa relasyon nila ni LJ. Umamin ang aktor at sinabing magnobyo nga sila.
Medyo nainis ang isang writer at sinabihan si LJ na sanay mag-usap silang dalawa ni Mike kung ano ang isasagot sakaling itanong ang kanilang relasyon. Hindi sila nagtutugma kaya lumalabas tuloy na sinungaling si LJ.
Di kalaunan ay umamin na rin ito tungkol sa real score nila ni Mike pero bilang mag-MU daw! "Ganun na rin yun, mag-nobyo kayo," anang writer.
Ngumiti lang si LJ at sinabing maganda ang takbo ng kanilang relasyon dahil hindi siya selosa at di rin seloso si Mike dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho.
Ang pinanalunan niyang pera sa StarStruck 2 ay nakatago pa rin sa bangko, gayundin ang kanyang kinikita sa mga shows na kinabibilangan ng Now and Forever, Love to Love Season 7, Sugo at SOP Gigsters.
May gagawin din itong pelikula under GMA Films titled Lovestruck kung saan makakasama niya ang mga nanalo sa StarStruck 1 and 2.
Mas gusto niya ang kalbo dahil kulut-kulot ang kanyang buhok. Isa pang dahilan kung bakit kailangan niyang magpakalbo ay dahil kailangang ganito ang kanyang itsura para sa soap opera na Sugo na tatampukan ni Richard Gutierrez.
"Bad boy kasi ako ni Richard at mas effective kung kalbo ako. Mas okey pa ito dahil sa init ng panahon ngayon," aniya.
May investment na rin si Paolo nakabili na ito ng lote na pagtatayuan niya ng bahay somewhere in Quezon City kung hindi this year ay baka sa isang taon.
Sa sobrang hilig nitong tumambay sa mga coffee shops ay gusto niyang magtayo rin ng coffee shop. Malamang na mga kaibigan din ang maging kasosyo niya!
Ito ang nangyari sa isang PRO ng isang sikat na aktor. Magaling siya talaga at mahusay makisama kaya naging madali para sa aktor ang mapalapit sa media.
Pero, dumating sa puntong namahinga sa showbiz ang PRO. Naospital ito dahil na-stroke noon pero, gumaling din. Nang makita ng aktor na paika-ika na ito sa paglakad ay tinabangan dahil feeling nito, wala na itong matutulong sa kanya. Kaya hindi na niya kinuha ang serbisyo nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended