^

PSN Showbiz

Isa pang award winning movie ni Claudine

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Masaya at matagumpay ang Kasakay Mo, Kapamilya Mo noong Sabado. Ang nasabing event ay ang inauguration ng ABS-CBN ng advertising campaign nila sa MRT. Kung napapansin ninyo, iba’t ibang shows ng ABS-CBN ang nakikita ngayon sa MRT trains. Nariyan ang Maalaala Mo Kaya, Okey Fine, Ito Ang Gusto Mo, The Buzz, Homeboy, Kaya Mo Ba To?, MRS, Nginiig at iba pa.

Star-studded ang nasabing inauguration na pinangunahan ni MMK host at ABS-CBN executive Charo Santos-Concio. Present din ang representatives ng Department of Transportation & Communication o DOTC. Syempre, nagpakinang ng event ay ang presence nina Aga Muhlach, Aiai delas Alas, John Estrada, Anne Curtis, Boy Abunda, Randy Santiago, Bayani Agbayani, Roderick Paulate, Nikki Valdez, Amy Perez, Dennis Padilla, Marco Alcaraz, Phoemela Baranda, Kitkat, Tado at marami pang iba.

Nilibot ng MRT sakay ang mga ABS-CBN stars ang buong EDSA. Mula North Station hanggang Taft Station. Namigay ng iba’t ibang giveaways ang mga artista tulad ng posters, stickers, buttons, bags, shirts at iba pa.

Ang Kasakay Mo, Kapamilya Mo ay isang project ng ABS-CBN sa pangunguna ni Deo Endrinal. Ang aking pagbati kina Billet Sangalang, Pat P. Planas, Linggit Tan, Joyce Liquicia, Leah Caharian at Lala Ventura-Lazaro. Mas exciting na sumakay ngayon sa MRT dahil makikita mo ang naglalakihang billboards ng mga ABS-CBN stars.
* * *
Pinag-uusapan ng husto ang live guesting ni Joseph Bitangcol sa The Buzz last Sunday. Sa kauna-unahang pagkakataon ay inamin ni Joseph ang real score sa kanila ni Sandara Park. Halatang kinailangang humugot ng matinding lakas ng loob ni Joseph para aminin ang totoo.

Yes, inamin na ni Joseph na sila nga ni Sandara. Last year daw siya sinagot ng dalaga. Pero hindi naging madali para kay Joseph ang mga nagdaang taon sa kanila ni Sandy. Aware siya na marami ang taong galit sa kanya.

Ang hindi matanggap ni Joseph ay ang akusasyon na ginagamit niya si Sandara para sa kanyang career.

"Hindi ko kailangan ang isang Sandara para sa career ko. Mas kailangan ko si Sandy sa puso ko," sabi nito.

Umalis na si Sandara last week. But in 4 months time, babalik na ito. Ani Joseph, nakahanda pa rin siyang maghintay. Ani pa ni Joseph, "Handa kong isakripisyo ang career ko para kay Sandy."

Sa puntong ito, humanga ako kay Joseph sa ginawa niyang pag-amin. Hindi talaga madali ang ginawa niya, lalo pa’t may fans ang Sandara-Hero loveteam. Nakahanda naman daw siya sa ginawa niya.
* * *
Bumalik na si Claudine Barretto noong Lunes mula sa halos isang linggo lang na stay sa Cannes, France kung saan um-attend siya ng premiere ng movie niyang Milan sa 2005 Cannes Film Festival. Claudine was joined by Star Cinema big boss Malou Santos and director Olive Lamasan.

Maraming magagandang kwento ang nakarating sa amin during the event.

"Pinagkaguluhan si Claudine hindi lang ng mga Pinoy pati na rin ng French press," sabi ng source ko. "Ang ganda-ganda niya sa Rajo Laurel gown na suot niya."

Sa Philippine delegation, ang grupo ng Star Cinema ang huling tinawag. Sila rin ang umani ng pinakamalakas na palakpak. During the screening ng Milan, marami ang lumuha.

"Gandang-ganda sila sa movie," sabi pa ng kausap ko. "Naka-relate sila sa pinagdaanan ng mga bida sa movie."

Naka-ready na si Claudine sa promo ng Nasaan Ka Man, ang pelikulang tinatayang magbibigay pa kay Claudine ng acting recognition. Pinag-uusapan na ito ngayon dahil sa ganda ng trailer. Siyempre, overwhelmed pa si Claudine sa pagkapanalo ng Best Actress sa FAP sa Luna Awards.

Kasama ni Claudine sa Nasaan Ka Man sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Gloria Diaz at Hilda Koronel. Si Cholo Laurel ang direktor nito. Ipalalabas ang movie sa June 15.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AMY PEREZ

CLAUDINE

JOSEPH

KAPAMILYA MO

KASAKAY MO

NASAAN KA MAN

SANDARA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with