Health and human rights ang tema ng festival. Kasama sa mapapanood ay mga pelikula tungkol sa mga bading at girl bonding tulad ng Pusang Gala ni Helen Ongkeko na pinagbibidahan nina Ricky Davao, Irma Adlawan at Reggie Curley; That Man Berlin, isang Berlin Filmfest blockbuster; Formula 17, isang Taiwanese smash hit comedy; at mga prizewinning shortfilms.
Kasali rin ang Touch of Pink, ng Sienna Film/Martin Pope Prods.; Thats a Family at One Wedding and a Revolution, mula sa award winning director na si Debra Chasnoff; Not Straightforward ng Fil-Am filmmaker na si Jennifer Ting; The Secret Club mula sa Norway; Hoi Maya mula sa Switzerland; Babae ng isang Filipino artist na si Andrea P. Bernardo; When Fingers Talk Pink mula sa ilang La Salle students; Bathhouse, isang digital gay film ni Chris Pablo at Slow Motion.
Para sa iba pang impormasyon, tumawag sa Mowelfund Film Institute 4104567/7271915 local 203 o 3673109.
Napiling parangalan ng Asia Pacific ng isang award of excellence ang kanyang Club Mwah! na pinagtutulungan nilang palaguin ng kanyang ka-partner na si Cris Nicolas simula nang itoy maitatag last year lamang. Pararangalan ito sa June 9 bilang Most Outstanding Entertainment Theater sa Camp Aguinaldo.
Sa nasabing musical tribute kay Diana Ross, ipamamalas ni Pocholo ang isa pa niyang talino bilang isang performing artist. Ito at ang mga number ng humigit kumulang sa 100 Diana Ross impersonators ang magiging tampok ng tribute.
Pablo ang pangalan ng character ni Luis, isang kargador sa palengke, mabuting tao kahit hirap ang buhay. Asot pusa sila ni Kampanerang Kuba, laging nagtatagpo ang landas pero palaging nagkakainisan.
"Sabi ko sa sarili ko nun, ayokong mapunta sa teleserye para lang masabi na nag-teleserye ako. Dapat, ibigay ko ang lahat, gaya ng pagbibigay ko ng lahat sa aking pagiging VJ.
"Apart sa koneksyon nito sa pamilya ko, ang ganda ng script at magagaling ang mga direktor. What else could I ask for in a project?" aniya.