Ngarag-ngarag kami nung nakaraang Sabado (May 21) dahil sa aming schedule. Gumising kami ng alas-6 NU para sa aming lingguhang pamamalengke at grocery. Tapos, humabol kami sa 10:30 baptism sa St. Francis Chapel sa The Fernwood Gardens sa loob ng Sanville Subdivision sa Quezon City para sa bonggang binyag ng unang supling ng TV celebrity couple na sina
Julius Babao at
Tintin Bersola, si
Antonia Sofia Julia Bersola Babao kung saan isa kami sa 49 na tumayong ninang at ninong na kinabibilangan nina
Eugenio Lopez III, Korina Sanchez, Federico Garcia, Dra. Vicki Belo, Luisito Alejandro, Cong. Kim Bernardo-Likin, Peter Musngi, Dr. Catherine Lim, Dr. Vic Endriga, Atty. Persida Acosta, Boy Abunda, Bernadette Sembrano, Ricky Lo, Sheryl Cosim, Renee Salud, Niña Corpuz, Mayor Mon Ilagan, Marife Mordido, Monchet Olives, Aida Gonzales, Noel Ferrer, Mario Dumaual, Karen Padilla, Ogie Diaz, Edna Lazaro, Robin Padilla, Leslie Salsbury, William Leung, Lourdes Rosario, Gerick Parayno, Jet Versoza, Ricky Sison, Apple Peji Tan, Johnny Santos, Charmaigne Flores, Andres Estrella, Bootsie Alejandrino, Ojie Leona, Jayanne Cagalingan, Felix Bacolor, Suzanne Garcia, Wilson Ma Tisha Chipeco, Romeo Babao, Jr., Mary Ann Monzon, Charis Pineda at
Valerie Henares. Ang officiating priest ay si
Fr. Aris Sison. Sa kabila ng sobrang init, behaved si Antonia sa buong seremonyas ng binyag hanggang sa reception at nakailang costume siya. Cute na cute si Antonia
na tatlong buwan na ngayon. Habang lumalaki si Antonia ay lalo itong nagiging kamukha ng kanyang amang si Julius.
Hindi pa man tapos ang reception ay umalis na kami ng alas-2 ng hapon para naman humabol sa isa pa naming appointment with Presidential son at Pampanga 2nd district congressman
Mikey Arroyo sa Wok n Stix restaurant (katabi ng Virgin Cafe) sa Tomas Morato, Quezon City sa ganap na ika-3 ng hapon. At pagkatapos naman nito ay tumakbo na kami ng Araneta Coliseum para dumalo sa
The C Show fashion show ng Carter undergarments kung saan kami inabot hanggang midnight. At kinabukasan naman ng umagang-umaga ay tumulak kami patungong Island Cove sa Kawit, Cavite para naman sa aming company outing.
Tinuldukan ni
Paolo Bediones ang pananabik ng mga tao nang itoy lumabas na naka-briefs lang sa finale number ng
The C Show pero marami ang nagreklamo dahil seconds lamang itong nakita ng audience.
Totoong pinaghandaan ni Paolo ang nasabing event dahil nagpaganda talaga siya ng katawan dahil ayaw niyang ma-disappoint sa kanya ang mga tao.
Sigawan ang mga tao. Ang problema nga lamang, agad pinatay ang ilaw at ilang segundo lamang nasilayan ang katawan ng TV host.
Gaano kaya katotoo ang balita na ang
Bb. Pilipinas 1st runner-up at
Bb. Pilipinas-Tourism na si
Wendy Valdez umano ang kasintahan ngayon ni Paolo? Si Wendy ay namataan umano sa Araneta Coliseum na kasama ni Paolo at sweet ang dalawa.
E-mail: <
a_amoyo@pimsi.net>