Kung masamang babae ang pagkakakilala ni Rep. Diaz kay Anna Leah, si Cong. Espina ay hindi! Para sa kanya maliban sa edukada ay napaka-simple pang tao at hindi pakawala ng hotbabe. At hindi porke, naghuhubad raw sa pelikula si Anna Leah, ay may karapatan na ang kahit sino sa atin ang husgahan siya. Saka sa mga pictorials ng Viva Hotbabes na lumabas sa isang magazine, siya lang ata ang hindi nag-all the way doon. Hindi rin talaga fair yung ginawa ni Cong. Diaz, porke galit siya dahil dinemanda siya ng sexual harassment ni Anna Leah, ay kung anu-anong masasamang salita na ang binitawan niya rito. And we heard, na buong Biliran City lalo na ang mga constituents ni Cong. Espina ay nakikisimpatiya ngayon sa magandang sexy star ng Viva.
Anyway, masayang ikinuwento ni Cong. Espina, na mabilis nilang natapos ang movie nilang Sablay Ka Na, Pasaway Ka Pa, ng bestfriend niya at kapwa niya kongresista na si Cong. Mikey Arroyo. Pinuri niya ang mabilis na pagtatrabaho ng kanilang director na si Willy Milan. Sa June 28 na raw ang tentative playdate ng movie nila na ang premier night ay gagawin nga sa lugar niya sa Biliran City. Pahabol pa ng mabait at binatang congressman hindi prostitute, kundi disenteng babae ang ka-partner niyang si Anna Leah Javier. Aminado rin ang actor-politician na may pagtingin siya sa Viva Hotbabe. Pero nais, niyang linawin na hindi ito ang rason kung dine-depensahan niya ito kundi naniniwala raw kasi siya rito. PL