Fans day ng Sex Bomb, dinagsa ng mga taga-probinsya
May 23, 2005 | 12:00am
Siksikan ang mga tagahanga ng Sex Bomb sa Aliw Theater noong Lunes. Pila-pila ang mga pumasok para manood ng show na handog ng Focus E. Inc. sa mga tagahanga. Nagkaroon din ng pirmahan ng autograph pagkatapos ng show. Ang pinaka-ticket bale ng mga nanood ay mga label album ng Sexbomb. Karamihan, mga taga-probinsiyang tagahanga ang sumugod na sakay ng ibat ibang bus ang nakita namin. Naawa tuloy ang manager ng Sex Bomb na si Joy Cancio sa mga hindi na nakapasok sa loob ng Aliw Theater.
"Ganun po pala doon, kapag nahuli ng dating hindi na pwedeng pumaosk" sabi ni Joy. Yung ibang hindi nakapasok nagtiyagang maghintay sa lobby para abangan ang Sex Bomb para naman hindi umuwi ng luhaan. Marami-raming batang nakita at talagang yumayakap kay Rochelle. Nakakatuwang tingnan ang mga batang four years old up to seven na marunong at humanga at ginagaya ang sayaw ng Sex Bomb.
Tuwang-tuwa rin sina Jopay, Izzy, Weng, Aira, Yvette, Sunshine, Cheche, Johlan, Daniel, Cynthia at iba pa.
Hindi nakasipot si Jacque Esteves, dahil may taping. Samantala nakita rin namin doon si Dion Ignacio, Ya Chang, Jaz Vicedo at Patrick Zamora. Sumayaw din si Aira, habang kumakanta si Jaz. Kumanta din sina Rochelle at Jopay. Vir Gonzales

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended