^

PSN Showbiz

Joey Marquez, hinihigpitan ang mga anak

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ilang beses na naming nakita si dating Mayor Joey Marquez na kasa-kasama ang mga anak. At kahit dalagita na si WinWin ay very close pa rin ito sa kanyang daddy. Kaya nga nasabi nito na lumalabas na rin sa TV ngayon gaya ng Sis ay mas gugustuhin pa ng kanyang ama na tumandang dalaga na lang siya para magkasama silang palagi. "Pero siguro nagbibiro lang si Daddy. Mahigpit din si Kuya Jeremy kapag may gustong manligaw sa akin samantalang understanding naman si Kuya Mark Anthony at pwede kong masabi sa kanya ang mga crushes ko," aniya.
Sasabak Na Rin Sa Aksyon
Nag-aaral ng arnis si Karylle para sa Encantadia. Apat na oras ang ginugugol nito sa isang araw para lang matuto ng arnis. Kahit nahihirapan siyang makipagsabayan sa mga instructor ay excited naman siya kahit namamaltos ang kanyang palad. Ginagampanan ni Karylle ang papel ni Alena, ang diwatang iniibig ni Ybarro o ni Dingdong Dantes.
Balik-Sigla Ang Career
Dumating din sa puntong nanamlay ang career ni Lester Llansang at nakita na lang namin siyang pakanta-kanta sa mga shows kapag may kapistahan. Magaling naman siyang singer pero matagal ding nabakante sa pelikula. Mabuti na lang at napansin ni Becky Aguila ang kanyang kahusayan sa pag-arte kaya kinuha niya itong talent. Ngayon ay nagbabalik-sigla ang kanyang career kung saan nagkaroon na ito ng mga TV guesting gaya ng Magpakailanman at Maalaala Mo Kaya.
Hango Sa Totoong Istorya
Namuo ang tension sa nalalapit na basketball championship na haharapin ng Richmond High Oilers. Umaasa ang buong bayan dahil walang talo ang kanilang team at handang-handa na ang mga tagahanga para magbunyi. Walang nag-akala na noong ika-4 ng Enero, 1999 ay magugulat ang lahat nang ikandado ni Coach Carter ang gym at hindi pinayagan ang mga manlalaro na makapasok dahil sa mababa nilang grades sa iskul. Hango sa totoong istorya ang kapana-panabik at napakakontrobersya na basketball movie, ang Coach Carter.

May mga eksena ng basketball na talaga namang makatotohanan at punumpuno ng aksyon ang Coach Carter ay tinatampukan din nina Robert Richard (House of Wax), Rob Brown (Finding Forrester) at ng singing sensation na si Ashanti sa kanyang major motion picture debut. Sa direksyon ng three-time Emmy Award winner na si Thomas Carter (Save The Last Dance, Hill Street Blues), ito ay mula sa Paramount Pictures at ipinamamahagi sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
BLIND ITEM: Aktres, Nanghinayang Sa Ginastos Sa Party
Natatawa kami sa kwento ng isang kapatid sa hanapbuhay tungkol sa isang sikat na aktres na binigyan ng bonggang surprise birthday party ng kanyang asawa na isa ring sikat na aktor.

Nang nasa loob na raw sila ng bahay after the party ay sinabihan ng aktres ang kanyang asawa kung bakit gumastos pa para lang mabigyan siya ng party. Kilala kasi sa sobrang kakuriputan ang sikat na aktres. Sa halip na matuwa ay nanghinayang pa ito dahil sa malaking nagastos ng asawa sa kanyang birthday party.

BALIK-SIGLA ANG CAREER

BECKY AGUILA

CENTER

COACH CARTER

DINGDONG DANTES

EMMY AWARD

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with