Sarah,may love triangle na !
May 22, 2005 | 12:00am
Hindi lamang sa kanyang physical appearance kapansin-pansin ang malaking pagbabago at pagdadalaga ni Sarah Geronimo. Maging ang kanyang mga roles ngayon, lalo na sa programang SCQ Reload na kung saan ay inilagay siya nang mawala si Sandara Park, para naman di magmukhang kaawa-awa si Hero Angeles ay dalaga na siya. Katunayan ginawa siyang bahagi ng isang love triangle. Kung dati ay ayaw pang sabihin na ipinapareha siya kay Hero, ngayon ay obvious na ito dahil inilagay din dito si Japoy Lizardo at palalabasing pinag-aagawan nila ni Hero ang pagtatangi ni Sarah.
Ang ganda ng tinatakbo ng career ng tinaguriang Teen Princess. Matapos ang matagumpay na Champions Tours dito sa atin at sa labas ng bansa. Sarah will go solo sa Araneta Coliseum sa July 25. Malaki ang paniniwala ng Viva na kaya na ni Sarah na punuin ang nasabing venue. In the same way na kailangan din niya ng isang bagong programa sa TV para ma-sustain ang kanyang popularidad. Ang pinakamalaking sorpresa para kay Sarah, bibigyan din siya ng kanyang launching movie.
O, laban kayo? Sa lahat ng ito, walang masabi si Sarah maliban sa "Sana ay hindi ko mabigo ang lahat ng nagtitiwala sa akin."
Speaking of Viva Records, hindi lamang naman pala sina Nikki Bacolod at Jona Lumbera ang kinuha nila para mag-recording sa kanila. Dalawa rin sa nakasama sa Search For the Star in a Million League of 12 ay nasa kanila na rin, sina Diane Castillo at Myke Caluma. Si Diane ang 15 year old winner ng Himig Taal 2003 singing contest at isang senior high school stude sa Our Lady of Caysasay Academy sa Taal, Batangas. Si Myke naman ay 18 taong gulang mula sa Mariana, grand prize winner ng Robinsons Teen Pop Idol singing contest at isang HRM student sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Ang tatlo kasama si Nikki Bacolod ay naghahanda na para sa kanilang unang CD-Lite album para sa Viva.
Bat ang dami-daming nagne-nega sa ginanap na oath-taking ni Boss Vic del Rosario bilang Presidential Consultant on the Entertainment Industry sa Malacañang kamakailan lamang. Ang daming nagsasabing kakaunti lamang daw ang dumating at ang press na anim lang daw ang dumating gayong 28 ang inimbita. We may not be 28 in all pero marami-rami rin kami dun ako, Eugene Asis, Ian Fariñas, Nini Valera, Emy Abuan, Vinia Vivar, Tessa Mauricio, Crispina Belen, Isah Red, Dennis Aguilar, Salve Asis, Billy Balbastro, Nestor Cuartero, Butch Roldan, Fatima Parel, Ruel Mendoza at ilan pang di ko na matandaan.
Maganda naman kaming hinarap ni PGMA at nakipag-usap pa sa amin. Gulat ako na hindi ito napikon sa ilang mga katanungan ng mga kasamahan ko sa entertainment media at sa halip ay sinagot lahat ng aming katanungan tungkol sa mga problema na kinaharap ng local entertainment industry at ang ilang mga solusyon dito.
Ang ganda ng tinatakbo ng career ng tinaguriang Teen Princess. Matapos ang matagumpay na Champions Tours dito sa atin at sa labas ng bansa. Sarah will go solo sa Araneta Coliseum sa July 25. Malaki ang paniniwala ng Viva na kaya na ni Sarah na punuin ang nasabing venue. In the same way na kailangan din niya ng isang bagong programa sa TV para ma-sustain ang kanyang popularidad. Ang pinakamalaking sorpresa para kay Sarah, bibigyan din siya ng kanyang launching movie.
O, laban kayo? Sa lahat ng ito, walang masabi si Sarah maliban sa "Sana ay hindi ko mabigo ang lahat ng nagtitiwala sa akin."
Maganda naman kaming hinarap ni PGMA at nakipag-usap pa sa amin. Gulat ako na hindi ito napikon sa ilang mga katanungan ng mga kasamahan ko sa entertainment media at sa halip ay sinagot lahat ng aming katanungan tungkol sa mga problema na kinaharap ng local entertainment industry at ang ilang mga solusyon dito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended