Matagal na itong singer pero hanggang ngayon ay na-maintain pa rin ang popularidad. Mayroon siyang regular show sa telebisyon.
Kukunan din ang ilang eksena sa Maynila sa buwang ito kung saan katambal ng aktres si Richard Gutierrez sa pelikulang ito.
Pagkatapos ng Now and Forever ay kabi-kabila na ang TV guesting nito gaya ng Extra Challenge, Magpakailanman at 3R. Nakapag-diet na ito kaya nanumbalik na ang seksing katawan. Patuloy ang pagwo-work-out ni Val dahil desidido ring magkaron ng pelikula.
"Happy po ako sa kanila at hindi naiinsecure dahil nakatanggap na rin ako ng award bilang Best Actress sa Star Award (PMPC) noong 2000 para sa Saan Ka Man Naroroon. Deserving po sila sa award dahil pareho naman silang magaling na artista", anya.
Panay ang dalangin ni Gladys na sanay makabuo na sila ni Christopher Roxas dahil kapag hindi pa siya dinatnan ng buwanang regla ngayong May 25 ay malamang na buntis nga siya.
Nagmo-mall tour din ang mga Penguin na pinagkakaguluhan ng mga bata.
Ang Madagascar ay tungkol sa apat na mga hayop na lumaki sa sibilisadong syudad ng New York na biglang napadpad sa gubat. Nakaka-aliw ang pelikula na ginamitan ng latest state-of-the art computer animation na tinampukan ng mga boses nina Ben Stiller para sa Alex The Lion; Chris Rock sa Marty The Zebra; David Schwimmer sa Melman The Giraffe at Jada Pinkett Smith para sa Gloria The Hippo.
Release ang Madagascar sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation na siya ring lumikha ng Shrek 2 at Shark Tale.
Palabas na ito sa Mayo 27 sa inyong paboritong sinehan.