Ano nga bang relevance ng comforter sa buhay ng komedyante? Well, malalaman nyo na ngayong araw.
Ang nasabing comforter daw ang parating bitbit ng actor sa mga out of town shows noon.
Ang ginagawa raw nito everytime na magkakaroon ng out of town show, dala-dala nito ang nasabing comforter. Tapos pag nasa biyahe na, hihiga ito sa isang mahabang chair at magtatakip ng comforter. Pag medyo nakakatulog na ang ibang kasama, gagapang na raw ang kamay nito sa babaing gusto niyang bastusin.
Pero yung isa niyang hinipuan, pumalag. Pero hindi lang siya ang victim. May iba pa.
Ang pipiyok guilty.
Basta wait na lang siya, may mangyayari ngayong araw na ikaka-shock ng actor na ito na ipinanganak na yatang malaswa.
Title ng show ang Yakitiyak (pandiwa) na hango sa salitang yak o yakyak (bumunganga, tumalak, dumada, dumaldal, bumula).
Kilalanin ang madadaldal sa showbiz.
Sina Melanie Marquez at Ricky Lo ang host ng show.
Oh by the way belated happy birthday kay Nay Lolit Solis kahapon. Isa sa pinaka-mabait na tao at totoong kaibigan sa showbiz.
Nay Lolit salamat sa lahat.