Willie, dapat ng mag-issue nang public apology

Dahil sa mga naglalabasang kopya ng apology card ni Willie Revillame kay Salve V. Asis yesterday, Biyernes ay naging usap-usapan ang TV host/actor sa bakuran ng ABS-CBN.

Say mismo ng isang executive ng Dos, "Nakakaloka si Willie, mega deny pa siya, e, may ebidensiya palang hawak si Salve? Buti naitago ni Salve yung card? Ano kayang next move ni Willie?"

Dagdag naman ng kausap ng executive, "Kung magaling ang abogado ni Willie, pwede nilang sabihing gawa-gawa lang ang card, maski na sulat kamay pa. Eto naman si Willie, gagawa lang ng kalokohan, nag-iwan pa ng ebidensiya."

Kanya-kanyang reactions ang nakuha namin sa mga taga-Dos tungkol sa kaso ng kapamilya nilang si Willie, may kumakampi at may hindi. Pero in fairness, may mga hindi magagandang comment din kaming nakuha na hindi na lang namin ipi-print muna dahil ayaw magpabanggit ng pangalan ang mga taong involved.

Samantala, humihingi raw ng meeting ang legal counsel ni Willie na si Atty. Dexter Lacuanan sa abogado ni Salve na si Atty. Bonifacio Alentajan tungkol sa iprinisintang ebidensiya ng complainant.

Although na-check naman ng legal counsels ng actor/TV host na pareho ang original card at photocopy na ipinakita sa kanila nung nagharap sila kay Fiscal Corazon R. Romano last Thursday, may mga bagay lang daw silang gustong malaman pa.

Tinanong naman namin si Salve kung sakaling humingi ng areglo si Willie sa kanya ay patatawarin ba niya?

"Naku, sa pagkakakilala ko sa kanya ngayon, hindi yan hihingi, paninindigan niya ang pagsisinungaling niya. At kung sakali, public apology ang hihingin ko, aminin niya sa lahat ng talk shows dito sa Pilipinas na nagkasala siya, yun lang. Hindi ko naman siya hihingian ng danyos no, may pera ako, hindi ko kailangan ang pera niya," pangangatwiran ng complainant.

Samantala, kaliwa’t kanan naman ang tawag na natatanggap ngayon ng lady editor dahil sa mga nangyayari sa kaso at binabati siya.
* * *
And speaking of Willie Revillame, dapat panoorin niya ang Startalk ngayong araw, Sabado, dahil na-interview ng staff ng naturang programa ang ilan sa mga dancer na diumano’y hinarass daw ni Willie nung nasa Wowowee pa ang mga ito.

Nakilala na rin namin ng personal ang isa sa dancer na sinasabing hinarass din ng naturang TV host actor sa dressing room at pilit ding hinihipuan habang nasa biyahe sila out of town.

Nagulat lang kami sa kwento ng lolang balikbayan ng naturang dancer na siya mismo ang nakakita kay Willie nung maghubad ito ng pantalon sa harap ng audience ng Wowowee kapag off cam.

"Since I just got home from US, I went with my apo and daughter sa Wowowee, gusto kong manood. I got shocked when Willie removed his pants wearing only his briefs in front of his audience sa Wowowee, sabi niya, joke-joke lang. You called that joke, removing your pants? I think he’s sick!" ito ang kwento ng lola ng dancer.Reggee Bonoan

Show comments