Kung kulay rosas ang paligid ngayon ni Jaya, masaya rin siya sa takbo ng kanyang career dahil may dalawa siyang top-rating TV programs sa GMA-7, ang SOP at ang K! The P1 Million Videoke Challenge.
Nakakatuwang isipin na sa kabila ng problemang kinakaharap ng movie industry, may mga producer pa ring nagmamalasakit sa paghahatid ng de kalidad na panoorin tulad nina Tony Gloria at Ms. Sharon Cuneta.
Ngayon namin naintindihan si Sharon kung bakit sina Robin at Rufa Mae ang kinuha nilang gumanap sa kanilang respective roles sa pelikula dahil akmang-akma sa kanila ang kanilang mga papel na ginampanan. Lahat sila natural. Walang sumobra sa acting at walang nag-underplay. Isa ring rebelasyon si Mark bilang writer-director dahil sa kanyang kakaibang atake ng istorya at direksyon. Isa siyang genius na maituturing.
Kahit maigsi lamang ang respective roles nina Raymart Santiago, Jonee Gamboa at Bearwin Meily ay epektibo sila sa papel na ipinagkatiwala sa kanila. Maging ang producer na si Tony Gloria at director na si Mark Meily ay may special participation sa pelikula.
Tiyak na magiging strong contender si Robin bilang best actor sa ibat ibang award-giving bodies sa isang taon.