By the time na nagsimula ang awards proper nila, mga bandang alas onse ng gabi, bagsak na ang audience share nila sa telebisyon. Ibig sabihin, wala na halos nakapanood ng pagho-host ni Martin Nievera ng kanilang awards na parang hosting niya noon sa Martin After Dark. Wala na rin halos nakapanood sa pagkanta ni Jericho Rosales na ilang ulit na out of tune.
Kaya pala hindi rin masyadong napag-usapan kung bakit nanalong best actress ang masyadong dark horse sa laban na si Claudine Barretto. Pero sinasabi nga nila na kahit na ang kanyang panalo bilang best actress ay hindi makakatulong sa kanyang sisimulang TV show, hanggang hindi nagiging maliwanag ang mga tsismis ng lagayan sa PMPC na nakaapekto na sa lahat ng iba pang awards.
Eh natanim na kasi sa isipan ng mga tao na limang libo lang pala ang lagay para manalo ng isang major award, o kung naka-kangkong pa yon ng mga pagador nababawasan pa at tatlong libo na lang ang kanilang natatanggap. Buti nagkamali ng diskarte ang mga naglagay, akala nila ok na ang bilang nila eh nalusutan sila ng iba. Hindi masasabing nangibabaw ang konsensiya roon, nagkataon lang na mali ang kanilang diskarte dahil akala nila sapat na ang bilang ng mga nalagyan para manalo sila. (Hindi po nagkamali ng diskarte ang mga naglagay. Talaga lang nangibabaw ang kosensiya ng mga nilagyan Ed at nag-imbestiga sa scam.)
Hanggang hindi nalilinis yan, lahat ng awards pagdududahan na ng mga tao at ganyan nga ang resulta, wala nang maniniwala.
Ang comments na narinig namin, ayaw na raw nila sa Sis na wala kang mapanood kung di mga baklang impersonator. Ayaw na rin naman nila sa MRS na ang mapapanood mo ay puro mga starlets na pilit na pinasisikat.
Tapos kung may tiyempo na, ginagawa niyang syota niya ang mga bagets na yon. Sinasabi niya, kailangan maging syota muna niya ang mga yon para makapagpatuloy sa panliligaw sa female bold star, at marami naman daw ang kanyang nabobola.