^

PSN Showbiz

Nagsawa sa mga artistang sakay ng hiniram na kotse at hiniram din mga gowns!

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Natawa kami sa isang confidential report na ipinabasa sa amin ng isa naming kaibigan mula sa isang advertising agency. Lumalabas sa survey na yon na mas malaki pa ang audience share ng mga regular TV shows kaysa sa coverage ng Film Academy Awards na ginanap noong Sabado. Lumabas sa survey na mataas lang sila noong first 30 minutes ng coverage, ibig sabihin naglipat ng istasyon ang mga tao. Siguro naburyong nga sila sa puro arrival lang naman ng mga artista na sakay ng hiniram na kotse, at naka-suot ng mga gowns na gawa ng mga ipina-plug nilang sponsors. Tumagal ng dalawang oras ang puro arrival lang na yon.

By the time na nagsimula ang awards proper nila, mga bandang alas onse ng gabi, bagsak na ang audience share nila sa telebisyon. Ibig sabihin, wala na halos nakapanood ng pagho-host ni Martin Nievera ng kanilang awards na parang hosting niya noon sa Martin After Dark. Wala na rin halos nakapanood sa pagkanta ni Jericho Rosales na ilang ulit na out of tune.

Kaya pala hindi rin masyadong napag-usapan kung bakit nanalong best actress ang masyadong dark horse sa laban na si Claudine Barretto. Pero sinasabi nga nila na kahit na ang kanyang panalo bilang best actress ay hindi makakatulong sa kanyang sisimulang TV show, hanggang hindi nagiging maliwanag ang mga tsismis ng lagayan sa PMPC na nakaapekto na sa lahat ng iba pang awards.

Eh natanim na kasi sa isipan ng mga tao na limang libo lang pala ang lagay para manalo ng isang major award, o kung naka-kangkong pa yon ng mga pagador nababawasan pa at tatlong libo na lang ang kanilang natatanggap. Buti nagkamali ng diskarte ang mga naglagay, akala nila ok na ang bilang nila eh nalusutan sila ng iba. Hindi masasabing nangibabaw ang konsensiya roon, nagkataon lang na mali ang kanilang diskarte dahil akala nila sapat na ang bilang ng mga nalagyan para manalo sila. (Hindi po nagkamali ng diskarte ang mga naglagay. Talaga lang nangibabaw ang kosensiya ng mga nilagyan– Ed at nag-imbestiga sa scam.)

Hanggang hindi nalilinis yan, lahat ng awards pagdududahan na ng mga tao at ganyan nga ang resulta, wala nang maniniwala.
* * *
Talagang nagpapatayan ang dalawang malaking TV networks sa mga morning shows nila. Ginagawa nilang musical-variety shows yong dating talk show na Sis at yong MRS na hindi naman naka-abante sa ratings. Ang masakit, hindi nila napupuna na dalawa na ang kalaban nila, yong lumilipat doon sa game show na Chow Time sa last thirty minutes nila, at yong hindi na nagbubukas ng TV dahil nagsawa na sa show nila.

Ang comments na narinig namin, ayaw na raw nila sa Sis na wala kang mapanood kung di mga baklang impersonator. Ayaw na rin naman nila sa MRS na ang mapapanood mo ay puro mga starlets na pilit na pinasisikat.
* * *
Ibang klase rin pala ang drama ng isang bading na talent manager. Pinababayaan niyang ligawan ng mga bagets ang kanyang alagang female bold star. In fact ine-encourage niya ang mga bagets na manliligaw noon.

Tapos kung may tiyempo na, ginagawa niyang syota niya ang mga bagets na yon. Sinasabi niya, kailangan maging syota muna niya ang mga yon para makapagpatuloy sa panliligaw sa female bold star, at marami naman daw ang kanyang nabobola.

CHOW TIME

CLAUDINE BARRETTO

FILM ACADEMY AWARDS

JERICHO ROSALES

LANG

MARTIN AFTER DARK

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with